Kampanya ng PNP sa bawal na paputok paiigtingin
Inutos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang nationwide crackdown laban sa lahat ng ipinagbabawal na paputok upang walang mapahamak sa Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon. Inatasan ni PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr ang lahat ng police commanders na kumpiskahin ang mga bawal na paputok. Ang Civil Security Group (CSG) ay magsisilbing pangunahing ahensya na susuri sa kalidad at kaligtasan ng mga ibinebentang paputok. Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Chief Superintendent Samuel Pagdilao Jr, tagapagsalita ng PNP, nakasaad sa direktiba ni Razon na kailangan tiyakin ng CSG na mga produkto lamang ng mga awtorisadong distributors at manufacturers ng paputok ang makikita sa pamilihan. Kailangan din magsagawa ang mga regional commanders ng PNP ng firecracker safety and security campaign bilang suporta sa kampanya ng Department of Health na âFOURmula Paputok Campaign." Mahigpit din umano ang bilin ni Razon laban sa loose firearms at illegal discharge o indiscriminate firing upang maiwasan ang biktima ng ligaw na bala. "Razon told his commanders to encourage local government units to organize their own firework display for the coming Christmas and New Year celebration in order to minimize injuries caused by the use of sub-standard and dangerous firecrackers by the public," ayon kay Pagdilao. Nanawagan ang pulisya sa publiko na gumamit lamang ng mga ligtas na paputok at pampaingay sa Pasko at pasalubong sa Bagong Taon. Kabilang sa mga hindi na dapat gamitin ang âBoga" o âbazooka" na gawa sa PVC pipe na nilalagyan ng denatured alcohol. Noong nakaraang taon, sinabi ni Pagdilao na 20 kaso ng Boga-related injuries ang naitala at karamihan sa mga biktima ay mga bata. Batay sa talaan ng DOH, sinabi ni Pagdilao na umabot sa 600 katao ang nasugatan dahil sa paputok mula December 21, 2006 hanggang January 1, 2007. Samantala, nakapagtala rin ng 24 kaso ng stray bullets o tama ng ligaw na bala. "Many of the victims were children, whose fingers were either maimed or amputated after handling firecrackers without adult supervision," ayon kay Pagdilao. Hinimok ni Pagdilao ang publiko na isumbong ang mga pulis at sibilyan na magpapaputok ng baril sa pamamagitan ng TEXT PNP 2920, at Patrol 117. "Razon ordered his commanders to ensure police visibility in public places, especially in areas of convergence of people by activating the Police Security Containment Ring System (PSCRS) and integrated patrol system, and to conduct random mobile checkpoints to preempt criminal elements and terrorist groups from carrying out their nefarious activities," pahayag pa ng opisyal. - Fidel Jimenez, GMANews.TV