Malawakang opensiba ipinag-utos ng CPP sa NPA
Ipinag-utos ng Communist Party of the Philippines sa News Peopleâs Army nitong Martes na paigtingin ang mga opensiba laban sa mga tropa ng gobyerno para makaagaw ng maraming mga armas. Sa isang pahayag sa ika-39 anibersaryo ng CPP sa ika-26 ng Disyembre, nananawagan ang Party Central Committee sa kanilang mga kasapi at sa lahat ng revolutionary forces na maghanda para sa ika-40 taon sa pamamagitan ng pagtala nga maraming mga tagumpay laban sa kaaway. âWe must be able to annihilate more units of the enemy forces in order to gain strength and experience for destroying even more of these until we can seize nationwide political power," ayon sa pahayag ng CPP. Pinayuhan ng partido ang mga kadre na gawin ang lahat na makakaya upang magkamit ng maraming mga tagumpay para ibayong maisusulong ang rebolusyon sa darating na taon. Pinasinungalingan ng Partido ang ipinangalandakan ng gobyerno na gagapiin ang rebolusyon at lahat ng mga rebolusyunaryo bago dumating ang 2010. "Instead, they (CPP-NPA) are growing in strength and advancing because of the ever worsening crisis of the world capitalist system and the domestic ruling system, the Arroyo regime's detested policies of national betrayal, class exploitation, corruption and state terrorismâ¦" dagdag pa ng Partido. Inaasahan ng CPP Central Committee na lalakas ang rebolusyon hanggang sa makayanan na nitong gapiin ang gobyerno sa gitna ng lumalalang kahirapan ng mga mamamayan at pag-igting ng krisis sa loob ng naghaharing sistema. âThe socioeconomic crisis under the Arroyo regime is worsening rapidly and generating social unrest. The broad masses are reeling from the pressures of the crisis and the rising rates of exploitation," ayon sa CPP. Nakikinita na umano ng Partido ang pagbagsak ng rehimen ni Arroyo dahil sa, ayon sa statement, "the conflict of business and political interests is growing between the closest relatives and cronies of the fake president, on the one hand, and some of her allies within the ruling coalition of KAMPI, Lakas-NUCD and Nationalist People's Coalition, on the other hand." Lumalala na rin ang pagkakahati-hati ng Armed Forces of the Philippines. Karamihan sa mga opisyales ng militar at mga tauhan nito ay galit na kay Arroyo at sa mga lider ng militar na maka-Arroyo, ayon sa statement. Dagdag pa ng statement, pinadali ni Arroyo ang gawain ng NPA dahil sa pagtalaga ng maraming tropa sa kauluhan umuunti na ang mga sundalo sa kanayunan. "The Arroyo regime is extremely isolated. It is ripe for ouster by the broad masses of the people and a broad united front of anti-Arroyo forces," ayon sa CPP. Lalo pang humihina ang administrasyon dahil naghahanda na ang mga kaalyado nito sa darating na 2010 elections, dagdag pa ng CPP. - GMANews.TV