LGUs inatasang tumulong sa kampanya vs 'boga'
Inatasan ng Department of Interior and Local Government nitong Huwebes ang lahat ng local government units (LGUs) sa bansa na tumulong sa kampanya laban sa paggawa at pagbebenta ng "boga" na ginagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sa ulat ng dzBB radio, sinabi ni DILG Sec. Ronaldo Puno na nagpalabas siya ng memorandum sa mga LGUs upang tumulong sa programa ng Department of Health laban sa mga illegal paputok partikular ang "boga." Ayon kay DILG Usec Austere Panadero, nakasaad sa memo ni Puno ang pag-atas sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng ordinansa na nagbabawal sa paggawa, pagbenta at paggamit ng âboga." Ang "boga" na mistulang kanyon na gawa PVC pipes na ginagamitan ng denatured alcohol. Sumikat ito noong nakaraang taon dahil sa lakas ng putok at pinsalang idinudulot sa mga biktima. Sa talaan ng Philippine National Police, lumitaw na 30 tao ang nasaktan dahil sa âboga" sa pagsalubong sa 2007. Karamihan umano sa mga biktima ay mga bata. Samantala, dumadami ang mga ipinagbabawal na paputok na ibinebenta sa mga pamilihan tulad sa Divisoria, Maynila at Bocaue, Bulacan. Ayon sa ulat ng dzBB radio, kabilang sa mga bawal na paputok na ibinebenta ay Super Lolo, bawang at pla-pla sakabila ng regular na pagpatrolya ng mga pulis. Sa Bocaue, ang itinuturing fireworks capital ng bansa, ang mga malalakas na paputok gaya ng bawang ay ibinebenta sa halagang P1,500 hanggang P2,000 bawat bag.- Fidel Jimenez, GMANews.TV