Paputok bawal sa barko
Pinaalalahanan ng Negros Navigation Co., Inc. nitong Linggo ang manlalakbay na mahigpit na ipinagbabawal sa barko ang mga paputok gayundin ang liquefied petroleum gas (LPG) tanks. Ayon kay Gian Galvez, tagapagsalita ng shipping company, kukumpiskahin nila ang mga paputok at LPG tank na makikitang isasakay sa kanilang mga barko. âMaraming pasahero ang nagdadala ng paputok. Kahit lucis ipagbabawal âyan, ating kukumpiskahin," pahayag ni Galvez sa panayam ng dzXL radio. Pinayuhan din ni Galvez ang mga pasahero na pumunta sa pantalan tatlong oras bago ang takdang oras ng pag-alis ng barko dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng kanilang kumpanya. Bahagi ng isinasagawang seguridad ang manual inspection sa mga ipinapasok na bagahe, x-ray inspection at K-9 inspection. - GMANews.TV