Filtered By: Topstories
News

Kauna unahang kaso ng COVID-19 local transmission naitala sa Aklan


Want to see the E22 local results for ? Click location.

KALIBO, Aklan- Pormal na idineklara ng Provincial Health Office na mayroon nang local transmission ng coronavirus disease (COVID-19) sa Aklan.

Ayon sa advisory ng PHO, may mga sintomas ang pasyente tulad ng sipon mula Aug. 31, 2020 hanggang Sept. 8, 2020 at nilagnat siya ng dalawang araw. 

Walang history of travel and naturang pasyante sa labas ng probinsya at walang history of exposure sa suspect, probable, and confirmed na kaso ng COVID-19.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat at sumunod sa health protocols. Habang patuloy naman ang pag-monitor at surveillance sa mga kaso ng COVID-19 ng local government unit.

Tinatayang aabot na sa 40 na kaso ng COVID-19 sa lalawigan at higit sa kalahati sa mga ito ay naka recover na. -- BAP, GMA News

Find the latest news

Choose your candidates and print out your selection.

Find out your candidates' profile

Voter Demographics

Find out individual candidate platforms