Nagsangkot sa 5 dating sundalo sa panggugulo kakasuhan
Binabalak ng dating sundalong idinawit sa umanoây plano na panggugulo sa administrasyon na sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng kanyang pagkakadakip, ayon sa kanyang abogado nitong Biyernes. Inihayag ni Atty Trixie Angeles na desidido ang kanyang kliyenteng si dating Sgt. Orlando Valencia na maghain ng reklamo bagama't inuuna nila ang paghahanda ng depensa sa tatlo pang akusado na nananatiling nakapiit. "Definitely we're considering it. But our first thing to do is to set up our defenses for the remaining accused," pahayag ni Angeles sa panayam ng dwIZ radio. Ayon kay Angeles, posibleng isampa ang arbitrary arrest at illegal detention laban sa mga sundalo at pulis na umaresto sapagkat lahat ng limang dinakip ay hindi binigyan ng pagkakataong makausap ang kanilang abogado sa loob ng 24 oras nila sa detensyon. "(Ideally,) at the instance of arrest they were entitled to counsel," sabi ni Angeles. Ayon pa sa kanya, tinanggihan ang hiling ni Valencia na makausap ang kanyang abogado sa mga unang oras ng kanyang pagkakakulong. Ipinagtataka din nila kung bakit ikinulong ang lima sa headquarters ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (Isafp) sa halip na sa Philippine National Police (PNP). "Bakit, martial law na ba tayo? 'Di military ang law enforcement body natin," tanong ni Angeles. Idinagdag pa ni Angeles na maaari silang maghain ng hiwalay na kaso laban sa pulisya at militar dahil sa pagtatanim ng ebidensiya laban sa kanyang mga kliyente gaya ng iginigiit ni Valencia. Ayon kay Angeles, walang nakitang fingerprints sa mga nakuhang dalawang M-16 at isang AK-47 rifle mula sa limang dinakip. Ito umano ang dahilan kung bakit walang naipakitang fingerprint records ang pulis at militar sa prosekusyon. Pinakawalan si Valencia nitong Huwebes ng umaga matapos ibasura ang kaso laban sa kanya dahil sa kawalan ng ebidensya. Ayon kay Angeles, tinitingnan pa niya kung palalabasin na rin si dating Cpl. Ramon Perania na pinawalang-kaso na rin ng sala. Bukod kina Valencia at Perania, dinakip din ang mga dating corporal na sina Redante Maranan, Walter Francisco at Kim Agas. Samantala, pinaalalahanan ni Angeles si PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr at Armed Forces chief Gen. Hermogenes Esperon Jr na huwag siyang bansagang tagapagsalita ng âdestabilizers.â "Let's put it this way. I'm a private citizen and I'm a lawyer and the both of them are not lawyers. So I don't expect and they should not tell me how to do my job. On the other hand, taxpayer ako, nagbabayad ako ng buwis at sila public servants, I get the right to tell them how to do their jobs. 'Di kami pantay, mas mataas ang ranggo ko â I'm a citizen, I pay their salaries so I get to tell them what to do," pahayag ni Angeles. Pinasinungalingan ni Angeles ang bintang ng pulisya at militar na ang limang inaresto ay may kaugnayan kay Brig. Gen Danilo Lim, na nananatiling nakakulong sa loob ng dalawang taon. âThis is grossly unfair not only to the five soldiers but to Gen. Lim. There's no plot, no conspiracy," ayon kay Angeles. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV