Esperon, 2 pang AFP officials gustong ipatawag sa Burgos case
Hiniling muli ng ina ni Jonas Burgos sa Court of Appeals (CA) na ipa-subpoena si Armed Forces chief Gen. Hermogenes Esperon Jr. at dalawang iba pa upang magbigay ng testimonya kaugnay sa pagdukot sa kanyang anak. Dinidinig ng CA Special Seventh Division sa ilalim ni Associate Justice Remedios Salazar-Fernando ang petisyon para sa paghahain ng writ of habeas corpus na hiniling ni Edita Burgos. Tumestigo nitong Lunes sa pagdinig si Gng Burgos at kung saan muli niyang iginiit na itinuturo ng mga âcircumstantial evidence" na militar ang responsable sa pagdukot sa kanyang anak noong Abril 28, 2007 sa isang mall sa Quezon City. "I believed that the writ of amparo will give me the instruments to be able to find the documents and evidence so I can still find my son," pahayag niya. Samantala, sinabi ng abogado ni Burgos na si Atty. Ricardo Fernandez, na maaaring may alam si Esperon sa pag-aresto sa umanoây espiya ng militar na si Lt. Dick Abletes. Naniniwala si Gng Burgos na may kinalaman si Abletes sa pagkawala ng kanyang anak. Nais din ng ina ni Jonas na ipatawag ng korte sina Army chief Lt. Gen. Alexander Yano, at Col. Melquiadez Feliciano, commander ng 56th Infantry Battalion (IB), na inakusahang dumukot sa kanyang anak. Ayon kay Fernandez, kahina-hinala ang tila pananahimik ng mga opisyal ng militar sa ulat na hinuli si Abletes noong Marso o Abril 2007. Sinabi ni Fernandez na batay sa mga ulat na nakarating sa kanila, isinisiwalat ni umano Abletes ang ilang sikreto ng militar kay Jonas. Pinaghihinalaan ding miyembro si Jonas ng Communist Party of the Philippines-New Peopleâs Army sa Bulacan. Sinabi pa ni Fernandez na kailangang magpaliwanag ang mga opisyal ng AFP sa ulat na inirekomenda ni Lt. Jaime Mendaros Jr, intelligence officer ng 56th IB, sa commanding general ng 703rd IB na tanggalin si Jonas sa listahan ng order of battle dahil ânaturalized" na ito. "Are Lt. Abletes and Lt. Mendaros real people and indeed officers of the Philippine Army? If yes, why have the respondents decided to keep silent about it? If they are not such officers, why have the respondents not stated in their return that there is no Lt. Abletes or Lt. Mendaros Jr. in the roster of the Philippine Army?" tanong ni Fernandez. - Mark Ubalde, GMANews.TV