Aklan QR Code nananatiling requirement sa pagpunta sa Boracay
BORACAY ISLAND, Aklan —Nananatiling isa sa mga requirement sa mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay ang pagamit ng QR Code ng lalawigan.
Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, maliban sa QR Code requirement pa rin ang pagpresinta ng negatibong RT PCR swab test, at hotel bookings sa Boracay. Makukuha ang QR Code sa website ng Aklan province sa www.aklan.gov.ph
Kamakailan, inanunsyo ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagamit ng S-Pass ng Department of Science and Technology sa mga uuwing locally stranded individuals sa kani kanilang probinsiya.
Ayon kay Miraflores sa isinagawang press conference, tanging QR Code lang daw at negative RT PCR test, kasama ang hotel bookings, ang kikilalanin sa mga magbibisita sa Boracay.
Nakilala na daw kasi ang pagamit ng QR Code at nakasanayan an eto ng mga turistang bumibisita sa Boracay lalo na ngayong panahon ng tag-init.
Base sa tala ng Malay Tourism Office, nasa 800 na bilang ng turista ang bumibisita na sa ngayon sa Boracay, mula sa ibat ibang bahagi ng bansa. —LBG, GMA News