Tindahan nagsusulong ng kulturang Pinoy sa Zurich
Isang tindahan sa Zurich, Switzerland ang nagsisilbing tulay sa mga Filipinong naninirahan doon upang mapanatiling buhay ang kultura at samahang Pinoy. Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, makikita sa Golden Asian Store sa Zurich ang mga produktong Filipino tulad ng tuyo, daing at iba pang pagkaing Pinoy. Isa sa mga parokyano ng GA store si Dino Bucal na 18 taon nang naninirahan sa Zurich at nagtatrabaho bilang quality controller sa isang chocolate factory doon. âThey want to eat something na hindi nila maluto sa bahay like tuyo, daing kasi ang husband nila for sure they will complain. And itâs not allowed na ang kapit-bahay hindi pwedeng magluto ng mababaho, then dito nila gustong lutuin," paliwanag ni Eppie Escopete, may-ari ng GA store. Maliban sa mga produktong Pinoy, pinalalakas din ng tindahan ang samahan ng mga Filipino sa Switzerland dahil dito nagkikita-kita at nagkakakilala ang mga Pinoy. âWe are 43 Filipino groups here in Switzerland and we are trying to preserve our culture and tradition and to be integrated to the Swiss community,â pahayag ni Rosie Sauter, liaison officer ng Filipino Leaders Club. Sinabi ni Escopete na nabubuo ang samahan at pagtitiwala ng mga Filipino sa isa't-isa dahil sa tindahan. âIto na ang naging center, dito marami kaming nagagawa, mga miting, 'yung mga issues nila na hindi masabi sa asawa dito napagkukwentuhan," paliwanag niya. Bukod sa pinapanatiling buhay ang kultura ng mga Pinoy, ang tindahan na ito ang tulay upang ipakilala sa mga Swiss ang produktong Filipino. Hindi rin nakakalimutan ng komunidad ng mga Filipino sa Switzerland na magsagawa ng proyekto upang makatulong sa mga kababayan nilang nangangailangan ng tulong sa Pilipinas. - Fidel Jimenez, GMANews.TV