58% ng Mindanaoans naniniwalang nandaya si Arroyo - Pulse Asia
Naniniwala ang 58 porsyento ng mga mamamayan sa Mindanao na sangkot si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa dayaan noong 2004 presidential elections. Ito ang resulta sa survey ng Pulse Asia sa Mindanao na isinagawa noong Disyembre 2007 at inilabas nitong Biyernes. Ipinakita rin sa survey na 70 porsyento sa mga kinapanayam ng Pulse Asia ang naniniwalang hindi na mapagkatitiwalaan ang halalan sa Mindanao dahil sa paulit-ulit na alegasyon ng pandaraya. âThe same survey indicated that 58 percent of the respondents believe that President Gloria Macapagal-Arroyo cheated in Mindanao areas during the 2004 elections that saw here winning the presidential count undertaken by the Commission on Elections (Comelec) over then opposition candidate, the late movie actor Fernando Poe Jr," pahayag ng partidong Genuine Opposition (GO). Isinagawa ang naturang survey sa atas ni dating Sen. Sergio Osmeña III upang sukatin ang opinyon ng publiko. Tinanong sa survey ang 600 na tao mula hilaga at timog Mindanao. Inihayag ng GO na 26 porsyento sa mga lumahok sa survey ang nagsabing walang nandaya sa mga kandidato noong 2004 presidential elections sa Mindanao. Iginiit naman ng siyam na porsyento na lahat ng kandidato nandaya. Isang porsyento ang hindi nagbigay ng komento. âAn identical two percent of the respondents said they believed that then presidential candidates Panfilo 'Ping' Lacson and Eddie Villanueva also cheated while one percent said Poe and the late Senator Raul Roco were also involved in poll fraud," ayon sa pahayag ng GO na ibinatay sa pag-aaral ng Pulse Asia. Inihayag pa ng GO na 81 porsyento ng mga nanggaling sa class A, B at C ang nanindigang may dayaang naganap noong 2004; 68 porsyento mula sa class D at 72 porsyento sa class E ang may parehong paniniwala. âIt will be recalled that allegations of fraud during the 2004 presidential elections triggered by the âHello, Garciâ wiretapping scandal have raised legitimacy questions against the Arroyo administration and have resulted in at least three impeachment attempts against the President before the House of Representatives" sinabi ng GO. Idinagdag nila na noong 2007 elections, muling naungkat ang dayaan sa Gitnang Mindanao, lalo na sa Maguindanao at Lanao del Sur kung saan kaduda-duda ang pagkapanalo ng mga kandidato ng administrasyon. Saklaw ng survey (na isinagawa mula Disyembre 1 hanggang 5 at may margin of error na ± 4 porsyento) ang Butuan City, Cagayan de Oro, Iligan City, Maramag sa Bukidnon, Prosperidad sa Agusan del Sur, Tubod sa Lanao del Norte, Cotabato City, Davao City, General Santos City, Isulan sa Sultan Kudarat, Mati sa Davao Oriental at Nabuntaran sa Compostela Valley. - Mark Ubalde, GMANews.TV