Noli naghugas kamay sa ‘$70-M cut' sa South Rail project
Naghugas kamay umano si Vice president Manuel "Noli" de Castro Jr. sa mga paratang ukol sa $70-million "commission" mula sa South Rail project, ayon sa ulat Bombo Radyo, isang radio station na nakabase sa Visayas. Sinabi umano ni VP De Castro, siya ring chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council, na wala siyang direktang nalalaman sa kontrobersiyal na proyekto dahil ang tinututukan niya ay ang relocation ng mga residenteng tatamaan nito. Ibinunyag noong Biyernes ni Rodolfo Noel Lozada Jr, pangunahing testigo sa imbestigasyon ng Senado sa maanomaliyang National Broadband Network project, na maaaring na-overprice ng 22 porsyento ang halaga ng South Rail project, o papatak sa "$70-million cut." Sinabi rin ni Lozada sa Senado na isang grupo na pinamumunuan ng nagngangalang Anthony Wang, na siyang tumutugaygay sa proyekto, ang nagsabing âsila na ang bahalasa Palasyo." âSina Anthony Wang na 'yan. Sila na raw bahala sa Palasyo," ayon pa kay Lozada. Interesado umano si De Castro na malaman ang tinutukoy na anomalya sa nabanggit na proyekto. - GMANews.TV