Pamilya Lozada nangangamba sa mga banta
Nangangamba ang ilang kamag-anak ni Rodolfo Noel Lozada Jr matapos makatanggap ng pagbabanta sa text message sa buhay ng isa nilang kapatid. Ayon sa ulat ng QTV Live on Q nitong Miyerkules, sinabi sa text sa pamilyang Lozada na isang sundalo ang magtutungo sa Ligao, Albay upang hanapin ang nakatatandang kapatid ni Lozada na si Samson. Nag-aalala na rin umano ang asawa ni Lozada na si Violet sa mga banta sa kanilang buhay. Si Lozada ay itinuturing na pangunahing testigo sa imbestigasyon ng Senado sa umanoây maanomalyang kontrata ng Zhong Xing Telecommunications Equipment (ZTE) Corp. sa National Broadband Network (NBN) project. Kabilang sa mga idinawit ni Lozada sa usapin sina Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo at dating Elections chairman Benjamin Abalos. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV