Pinuno ng CBCP nanawagan ng makabagong people power
Nanawagan ang pinuno ng Catholic Bishopsâ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Martes ng âbrand new people power" upang lutasin ang kasalukuyang krisis sa pulitika sa bansa bunga ng mga alegasyon ng katiwalian sa pamahalaan. Inamin ni CBCP president at Iloilo Archbishop Angel Lagdameo na nakadidismaya ang resulta ng People Power II, o Edsa Dos, na sinuportahan ng Simbahan dahil sa pagtulong na magluklok ng Pangulo na nabansagang sa isang survey na âmost corrupt" na lider ng bansa. Ang People Power II ay naganap noong Enero 2001 na nagpatalsik sa pwesto kay dating Pangulong Joseph Estrada at naging daan sa pag-upo sa Malacanang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. "In People Power I, we were very satisfied with the result. The second one, we were somehow disappointed because People Power II, with the help of the Church, installed a President who, later on, was judged by surveys as most corrupt President. That is embarrassing," pahayag ni Lagdameo. "We went from one frying pan to a worse frying pan, but what can we do?" tanong niya. Sa pamumuno ng namayapang si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, naging bahagi ang Simbahan sa dalawang pag-aaklas noong 1986 at 2001 na nagpatalsik sa dalawang pangulo. Matapos makipagpulong nitong Martes sa ibat-ibang grupo kasama ang civil society, mag-aaral, inter-faith at negosyante, sinabi ni Lagdameo na isang "brand new people power" ang kailangan ng bansa sa panahong ito. Nilinaw ni Lagdameo na ang pagdalo niya sa pulong ay bilang arsobispo ng Iloilo at hindi bilang pinuno ng CBCP. Ang iba pang kasama sa pulong ay sina Lingayen Archbishop Oscar Cruz at Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez. Nasa pulong din ang mga pinuno ng Black and White Movement, Makati Business Club, Association of Major Religious Superiors of the Philippines, Integrated Bar of the Philippines, at Bagong Alyansang Makabayan. Kasama rin ang kinatawan ng Bangon Pilipinas, Muslim Legal Assistance Foundation, United Church of Christ in the Philippines, at National Council of Churches in the Philippines. Ang La Salle Brothers na nagkakanlong ngayon kay Rodolfo Noel Lozada Jr, pangunahing saksi sa imbestigasyon ng Senado sa mga katiwalian sa NBN project, at sa kanyang pamilya, ay dumalo rin sa nasabing pag-uusap. Idinagdag ni Lagdameo na ipinakita rin sa mga survey kung gaano kalala ang katiwalian sa pamahalaan. "Many in government from top to bottom are sinning against the nation. This humiliates us in front of the whole world considering that we are also known as a Christian nation," ayon sa arsobispo. Sinabi naman ni Cruz na magpapatuloy ang pagpupulong sa ibaât-ibang grupo hanggang sa makabuo ng desisyon kung ano ang dapat gawin sa kinakaharap na problema ng bansa. Ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras, ang pagdaraos ng prayer rally sa Peb 29 sa Luneta ang isa sa mga napagkasunduan sa pulong. Inihayag naman ni Iñiguez na may mga panukala din na magsagawa ng civil disobedience o hindi pagbabayad ng buwis bilang pagtalima sa âcommunal action" na iminungkahi ng CBCP bilang protesta sa nagaganap na katiwalian sa pamahalaan. "I think thereâs always a point where sheâll realize that either she has to go out on her own or be forced out," ayon kay Iñiguez, patungkol kay Pangulong Arroyo. Muling umingay ang panawagan sa pagbibitiw ni Gng Arroyo matapos lumantad si Lozada at isiwalat ang nalalaman sa nakanselang $329.48-milyong kontrata ng Zhong Xing Telecommunications Equipment (ZTE) Corp. ng China para sa national broadband network project ng pamahalaan. - Fidel Jimenez, GMANews.TV