ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga hayop na ipinangalan sa bayani


Tatlong uri ng hayop ang ipinangalan sa isang bayani na nakatuklas sa kanila sa isang lalawigan sa Mindanao. Alam nyo ba kung anong hayop ang mga ito at kung sino ang bayani na nakatuklas sa kanila. Ang Drago Rizali (flying dragon), Apogonia Rizali (uri ng kulisap) at Rhacophorus Rizali (butete), ay mga hayop na nadiskubre ng pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga del Norte. Apat na taon namalagi si Rizal sa Dapitan mula 1892 matapos siyang ipatapon dito ng pamahalaang Kastila dahil sa hinalang kasabwat siya sa planong rebelyon. Sa Dapitan, ibinuhos ni Rizal ang panahon sa paggamit ng kanyang pinag-aralan sa pagtuklas ng mga bagay. Isang maliit na paaralan din ang kanyang itinayo at siya mismo ang nagtuturo sa mga estudyante. Sa halip na singilin ng matrikula, naging katuwang ni Rizal ang kanyang mga estudyante sa kanyang hardin. Sa hardin niya iniipon ang mga koleksyon ng hayop at halaman, maging mga ibon, insekto, suso, paru-paru at iba pa. Ang pag-aaral na ginawa sa mga ito ay ipinapadala niya sa mga kaibigang siyentista sa Maynila at Europa. - GMANews.TV