CBCP nagpatawag ng emergency meeting sa Martes
Nagpatawag ng emergency meeting sa Martes ang Catholic Bishopsâ Conference of the Philippines (CBCP) upang talakayin ang nagaganap na krisis sa pulitika sa bansa at inaasahang magpapalabas ng isang posisyon sa iskandalong kinakaharap ng pamahalaan. Si CBCP President Archbishop Angel Lagdameo ang nagpatawag ng pulong sa 131 obispo sa Pilipinas kasunod ng mga protesta na nanawagan sa pagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Kasunod ito ng muling pagbuhay sa imbestigasyon ng kinanselang kontrata sa Zhong Xing Telecommunications (ZTE) Corp. ng China para sa national broadband network project ng pamahalaan. Nitong Sabado, inamin ni Gng Arroyo na alam niya na may iregularidad sa kontrata isang araw bago niya saksihan ang pirmahan ng kontrata sa China noong Abril. Umabot ng limang buwan bago nagpasya ang Pangulo na kanselahin ang kontrata matapos madawit ang pangalan ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa umanoây suhulan sa proyekto. Gagawin ang pulong ng mga Obispo umaga ng Martes sa Pius XII Catholic Center sa Manila . Ayon sa isang source sa CBCP, ipinaalam ni Lagdameo sa mga obispo ang pulong sa pamamagitan ng email noong Biyernes ng gabi. Halos kalahati na umano ng mga kasapi ng CBCP ang tiyak na dadalo sa pulong. Gagawin ang pulong ng CBCP kasabay ng lumalakas na panawagan mula sa ibaât-ibang sektor na kailangan magkaroon ng iisang paninindigan ang mga obispo sa nagaganap na krisis sa bansa bunsod ng ZTE scandal. Una ng nagpahayag si Lagdameo na kailangan ng bansa ang âmakabagong" people power at nanawagan sa mga Filipino para sa isang âcommunal action." Sa ulat ng dzBB radio nitong Lunes, sinabi ni Caloocan bishop at CBCP public affairs head Deogracias Iñiguez Jr na inaasahang magpapalabas ng higit na matibay na posisyon ang CBCP kaugnay sa problema ng katiwalian sa pamahalaan pagkatapos ng pulong sa Martes. Pinayuhan naman ni Balanga, Bataan bishop Socrates Villegas ang mga kapwa alagad ng Simbahan na maging matapang at suportahan ang paghahanap sa katotohanan. Idinagdag niya na hindi dapat manahimik ang mga alagad ng Simbahan kung naghahari na ang kasamaan. âIf you canât fight evil, then youâre on the side of evil. And if youâre in the side of evil then you canât claim to be a disciple of Godâ¦take courage, bawal ang paring duwag," paalala ni Villegas. Idinagdag ni Villegas na bukod sa pagiging pari, sila ay mga Filipino na dapat magmahal sa bansa na regalo ng Diyos sa mga mamamayan. Si Villegas ay kilalang malapit sa pumanaw na si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na sumuporta sa dalawang people power revolutions noong 1986 at 2001. - GMANews.TV