Nasat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa 40 kilo ng hinihinalang shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Lourdes sa Quezon City nitong araw ng Linggo.
Ayon sa ulat ni Luisito Santos sa DzBB Super Radyo, ang exact location ng operasyon ay nasa halos gilid lamang umano ng Philippine Orthopedic Hospital sa panulukan ng Banawe at Maria Clara Streets.
Naaresto sa operasyon ang isang Chinese na itinanggai na siya ang may-ari ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P270 milyon.
Dagdag ng ulat, nakalagay ang hinihinalang droga sa tea packs.
FLASH REPORT: Aabot sa 40 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ?270-M, nasabat sa isang Chinese national sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA sa kanto ng Banawe St. at Maria Clara St., Brgy. Lourdes, Quezon City. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/gX4Lwtb5Pr
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 3, 2022
Dumating sa pinangyarihan ng buy-bust operation si PDEA Director General Wilkins Villanueva, ayon sa ulat.
Nagpapatuloy pa umano ang inventory ang PDEA sa nasabat na 40 kilo ng bloke-blokeng hinihinalang shabu. —LBG, GMA News