Filtered By: Topstories
News

2 bahay, nasira sa Datu Montanwal, Maguindanao dahil sa rumaragasang baha


Dalawang bahay ang nasira sa Datu Motanwal, Maguindanao dahil sa rumaragasang baha dulot ng patinding pag-ulan.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules mula sa impormasyon ng GMA Regional TV One Mindanao, nagmistulang ilog naman ang Cotabato-Davao-Maguindanao Highway dahil doon napunta ang umapaw na tubig mula sa mga ilog ng Polangui at Rio Grande de Mindanao.

Sa isang bidyo, kita ang unti-unting pagbagsak ng isa sa mga bahay. Ayon sa nag-upload ng bidyo, pinasok ng tubig ang pundasyon ng mga bahay na nagdulot ng pagkasira ng mga ito.

Wala namang nasaktan o nasawi dahil agarang nakalikas ang mga residente.—Alzel Laguardia/AOL, GMA News