ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

MRT, LRT tigil ang byahe sa Huwebes hanggang Linggo


MANILA - Walang biyahe ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) Metrostar Express sa loob ng apat na araw simula sa Huwebes Santo upang magbigay-daan sa mga kinakailangang pagsusuri sa kaligtasan ng mga tren. "In observance of Holy Week, and to give way to the scheduled yearly maintenance of the systems, LRT Line 1 (Baclaran-Monumento) and LRT Line 2 (Santolan-Recto) operations and services will be suspended for four days from Maundy Thursday to Easter Sunday, March 20-23, 2008," pahayag ng LRTA nitong Lunes. Apektado ng pagtigil ng operasyon ang 15-kilometrong binabagtas ng LRT Line 1 (Yellow Line) mula Monumento sa Caloocan City hanggang Baclaran sa Paranaque. Samantala, limang lungsod naman ang dinadaanan ng 13.8-km ruta ng LRT Line 2 (Purple Line) mula Recto sa Maynila hanggang Santolan sa Marikina City. Tigil din ang operasyon ng MRT III sa lahat ng 13 istasyon nito mula Marso 20-23 bilang paggunita sa Semana Santa at upang isagawa ang taunang maintenance check. Ibabalik ang serbisyo sa LRT at MRT sa Lunes, Marso 24. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV