Arestado sa Pasay City ang isang lalaking suspek na sangkot umano sa 28 na kaso ng pagnanakaw.

Kinilala ang suspek na si Rommel Ilagan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Wanted ang suspek sa 28 na kaso ng pagnanakaw.

Inaresto ng mga pulis ang suspek sa Barangay 76 nitong Linggo ng gabi.

Walang pahayag ang suspek. —KG, GMA Integrated News