Mga may-ari ng rice warehouses na nag-iipit ng bigas kakasuhan
MANILA â Pinag-aaralan na ng Department of Justice ang kasong isasampa laban sa mga may-ari ng warehouses na lisensyado ng National Food Authority (NFA) na hinihinalang sangkot sa ibaât-ibang iregularidad tulad ng pag-iipit ng mga bigas. Sa panayam ng dzBB radio nitong Linggo, sinabi ni Justice secretary Raul Gonzalez na nangangalap na ng ebidensiya ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa kasong isasampa lamang sa mga may-ari ng mga warehouse. Nang tanungin si Gonzalez kung kakasuhan ang mga may-ari ng rice warehouses, tugon ng kalihim, "That's correct. There are quite a lot of anomalies there." Noong nakaraang linggo, inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang NBI at iba pang ahensya ng pamahalaan na siyasatin ang lahat ng NFA-accredited warehouses bunga ng nakaambang krisis sa bigas. Sinabi ni Gonzalez na ang kasong isasampa sa mga nagsasamantala sa sitwasyon ay kasabay sa hakbang sa Kongreso na amyendahan ang batas sa malapit ng mapaso na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). - GMANews.TV