Walang pinalad na manalo ng halos P166 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, Mayo 26, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 35-08-10-11-36-28.

Mayroon itong kabuuang premyo na P165,996,548.40.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad naman na mayroong 27 mananaya na nanalo ng second prize na may premyong P120,000.00.

Huling tinamaan ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 noong Marso 7, 2023 na umabot ang premyo sa P109 milyon.

Muli itong tinamaan noong Marso 12, 2023, na mas mababa na ang jackpot prize sa P49 milyon.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Linggo, Martes, at Biyernes.

Samantala, wala ring tumama sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes, Mayo 26, na ang lumabas na mga numero ay 41-10-30-32-05-15, at may premyong P26,074,189.00. --FRJ, GMA Integrated News