Sa lotto outlet sa Quezon City tumaya ang nag-iisang mananaya na naka-jackpot ng mahigit P103 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Martes, Abril 30, 2024.

Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na nabili ng nanalo ang kaniyang ticket sa Fishermall sa Quezon Avenue.

Ang lumabas na mga numero ay 09-56-36-07-55-54, at may kabuuang premyo na P103,439,627.60.

Samantala, wala namang nanalo sa draw ng Superlotto 6/49 nitong Huwebes, May 2, na ang lumabas na mga numero ay 17-01-13-44-21-48, at may premyong P43,453,888.00.

Wala ring nanalo sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 02-39-04-23-01-25, at may jackpot prize na P38,018,083.40.

Hindi rin tinamaan ang 6D Lotto draw na umaabot sa P1.1 milyon ang premyo, at ang winning numbers ay 2-5-8-7-7-3.-- FRJ, GMA Integrated News