ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Maimbung, Sulu ex-vice mayor at mga pulis sangkot sa shootout; 2 pulis, 1 sundalo sugatan


Dalawang pulis at isang sundalo ang sugatan pagkatapos silang paputukan habang magsisilbi sana ng arrest warrant at search warrant para kay former Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan.

Sa report ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB netong Sabado, pinaputukan ng grupo ni Mudjasan ang mga awtoridad habang papalapit ang mga eto sa bahay. 

Dalawang pulis at isang sundalo ang nasugatan sa insidente ayon sa report ni Jonathan Andal sa 24 Oras.

Tumigil lang daw ang putukan ng makatakas na ang mga suspek. Inaalam pa kung may mga nasugatan sa mga suspek.

Si Mudjasan ay hinihinalang leader ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa lugar.

Sinubukang kunan ng pahayag ng GMA Integrated News si Mudjasan pero hindi pa ito sumasagot. 

Ayon sa Philippine National Pulis, ang arrest warrant ay para sa kasong murder laban kay Mudjasan. Ang search warrant naman ay para sa illegal possesion of firearms and explosives. —VAL, GMA Integrated News

 

Tags: Maimmbung, Sulu