ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bayani Fernando lumalabag sa patakaran ng MMDA - Golez
MANILA â Nakahanap ng panibagong butas si Parañaque Rep. Roilo Golez upang batikusin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando dahil sa paglabag umano sa pandaigdigang patakaran sa traffic signs dahil sa paggamit ng kulay pink. Bukod dito, sinabi ni Golez na nilabag din umano ni Fernando ang sariling patakaran ng MMDA sa paggamit ng road at traffic signs na kulay pink. Ipinaliwanag ni Golez na batay sa international color standards sa road at traffic signs, ang kulay pink ay ginagamit na babala para sa bagyo, emergency shelters at civil defense warnings. Ngunit ginagamit ng MMDA ang kulay pink sa road signs na dapat, alinsunod sa international standards, ay kulay pula at puti, ayon kay Golez. Bilang patunay, sinabi ni Golez na maging ang MMDA ay nagpalabasng regulation 04-04 noong Sept. 2, 2004 at pinirmahan ni Fernando na nagpapahayag na "all traffic signs to be installed in all streets of Metro Manila whether local or national roads, shall conform to the international standards as to design." "Therefore, the MMDA, in using pink road and traffic signs, violates their own rules," pahayag ng kongresista ng Parañaque. "I believe the MMDA chairman is imposing his whimsical and capricious taste for the color pink in pursuit of his political agenda and in violation of his own MMDA rule, in the process uglifying Metro Manila," idinagdag niya. Taliwas din umano sa sariling kampanya ng MMDA laban sa billboards at iba pang karatula sa EDSA na nakakaagaw sa atensyon ng motorista ang mga malalaking tarpaulin na may mukha ni Fernando at may nakasulat na, "Kaayusan: Mga Batas ay Alamin at Sundin." Hindi kaagad nakunan ng reaksyon si Fernando na nasa ibang bansa umano, ngunit nanindigan ang isang opisyal ng MMDA na epektibo ang paggamit ng kulay pink at mukha ni Fernando sa kanilang kampanya upang ipatupad ang desiplina sa mga lansangan sa Metro Manila. Una ng binatikos ni Golez at hiniling imbestigahan ang pondong ginamit ni Fernando sa mga tarpaulin at mga permanenteng U-turn slot sa EDSA at Commonwealth Avenue sa Quezon City. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular