ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Krimen bumaba ng 6.44% - PNP
MANILA â Bumaba ng halos pitong porsyento ang insidente ng krimen sa bansa sa unang bahagi ng 2008 kumpara sa parehong panahon noong 2007, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes. Sa ulat ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), bumaba ng 6.44 porsyento ang crime incidents sa nakalipas na 90 araw. Mula 17,800 insidente ng krimen na naitala noong 2007 bumaba ito sa 16,653 sa unang tatlong buwan ng 2008. Sa 16,653 insidente ng krimen mula Enero hanggang Marso ng 2008, 14,817 kaso o 88.97 porsyento ang nalutas ng PNP. Ang index crime o malalang krimen katulad ng murder, homicide, rape, robbery at theft ay kumatawan sa 54.71 porsyento ng total crime volume. Ang nalalabing kaso ay pumasok sa kategorya na tinatawag na non-index crime tulad ng illegal gambling, illegal logging, illegal fishing at iba pa. Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Nicanor A. Bartolome, ang pagbaba ng bilang ng krimen ay indikasyon ng bumubuting peace and order situation sa buong bansa. "The efforts of the PNP to further reduce crime incidents thru increased police visibility, downloading of more personnel for patrol duty, equipment upgrade and community support are all paying off," pahayag ni Bartolome. Sa kabila nito, inatasan ni PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr ang lahat ng police regional offices at national support units na lalo pang paigtingin ang operasyon laban sa organized crime at mga banta sa seguridad ng publiko. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: crimeincidence, crimevictims
More Videos
Most Popular