ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Magdalo: Hindi kami nakipagkasundo sa gobyerno
MANILA â Nanindigan ang siyam na sundalong Magdalo na nahatulang makulong ng habang-buhay dahil sa kasong kudeta noong 2003 sa pagsakop sa Oakwood hotel sa Makati na wala silang pinasok na kasunduan sa pamahalaan. Sa isang pahayag na binasa ni Army Capt Gerardo Gambala nitong Biyernes, inilahad ng grupo ang pagnanais nilang humingi ng pardon kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sa pulong balitaan na ginawa sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio, humingi ng patawad ang siyam na junior officers sa kanilang partisipasyon sa pagsakop sa Oakwood hotel. "We know in our hearts that we are guilty and we accept the verdict of the court. We undoubtedly made a mistake. We apologize to the people...we ask for forgiveness for our rebellion," ayon kay Gambala. "I am applying for pardon. We are applying for pardon. What I can do is ask for mercy from (the) authorities and God. The verdict is hard but we have to accept it. If they will give me pardon, I will accept it," idinagdag niya. Sinabi ni Gambala na ang mga abogado nila ang abala sa pag-asikaso sa pormal na paghingi ng pardon. "I will ask pardon everyday, every week, every month, every year." Sa ulat ng QTV Balitanghali, sinabing naghanda na ng sulat ang siyam na sundalo na ipadadala kay Pangulong Gloria Macagapal Arroyo upang hingin ang pardon. Sinabi umano ni Gambala na ang apela sa presidential pardon ang "last remaining option" ng kanilang grupo. Inilarawan din sa ulat na maluha-luha sina Gambala at Capt. Milo Maestrecampo sa pag-apela kay Gng Arroyo na bigyan sila ng pangalawang pagkakataon. Sina Gambala at Maestrecampo ay hinatulan ng Makati Regional Trial Court na makulong ng 20 hanggang 40 taon. Samantala, ang iba pang Magdalo soldiers na sina Army Captains Alvin Ebreo, Laurence Louis Somera, Albert Baloloy at John Andres, 1Lt. Florentino Somera, 2Lt. Kristoffer Bryan Yasay at 1Lt. Cleo Dongga ay hinatulang makulong ng anim hanggang 12 taon. Pinagdududahan ng ilang sektor na may lihim na kasunduang nangyari kaya umamin sa kasong kudeta ang mga sundalo upang mapadali ang paghingi ng pardon. "We have nothing to put on the table to make a deal. We have not entered into a deal whatsoever," ayon kay Gambala. âWe are not in a position to make a deal...we have nothing to offer." - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: magdalo, oakwoodmutiny
More Videos
Most Popular