ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinuno ng MWSS na nakatuklas ng anomalya nagbitiw
MANILA â Nagbitiw na nitong Martes sa pwesto ang isang opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS) na umanoây nakatuklas ng anomalya sa ahensya. Ayon kay Lorenzo H. Jamora, administrador ng MWSS, hinintay niya lamang na makapagtalaga ang Malacanang ng kanyang kapalit bago niya tuluyang iwanan ang pwesto upang hindi maakusahan na âabandoning of post" at "dereliction of duty." Hindi umano totoo na ayaw niyang umalis sa pwesto sa kabila ng direktibang inilabas ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Marso. "I already filed my clearance after I was informed by Malacañang that I was relieved from my position," ayon kay Jamora sa panayam sa telepono nitong Martes. Tinatayang 20 kawani ng MWSS ang nagtipon-tipon sa labas ng MWSS nitong Martes upang hilingin ang kanyang pag-alis sa pwesto. Sinabi ni Jamora na nalaman niya noong nakaraang linggo na tapos na ang kanyang pananatili sa puwesto nang magtungo siya sa Malacanang. Pinirmahan umano ni Arroyo ang kautusan na umalis siya sa pwesto noong Marso. Ayon kay Jamora, ang inaasahang papalit sa kanya na si Atty. Diosdado Allado ay pinanumpa ni Public Works Secretary Hermogenes E. Ebdane Jr. noong Biyernes. Ngunit nitong Martes, napag-alaman na pansamantalang itinalaga na pinuno ng MWSS-Regulatory Office ay si Atty. Alberto C. Agra, kasaluyang nakatalaga sa Government Corporate Counsel. Kinukuwestiyon ang pagtatalaga ni Agra dahil sa pag-amin nito na dating siyang interim board corporate secretary na Maynilad. Ang Maynilad ay isa sa dalawang water concessionaires sa Metro Manila. Ang isa pang kumpanya ay ang Manila Water. Ang pagtalaga umano kay Agra ay labag sa kasunduaan ng ahensya at mga water concessionaires. Ayon kay Jamora, bibigyan siya ng ibang tungkulin tungkol sa programa ng pamahalaan sa tubig ngunit hindi pa niya nakikita ang kanyang appointment paper. Idinagdag niya na nais siyang paalisin ng ilang opisyal at kawani ng MWSS dahil sa natuklasang niyang iregularidad sa isang proyekto. Tumanggi siyang magkomento kung may kinalaman ito sa direktiba ng Malacanang na bakantihin niya ang kanyang pwesto. Nito lamang Enero 2008 naupo sa MWSS si Jamora at nadiskubre umano niya ang overpricing sa proyekto ng âstorage and waste treatment" ng mga dumi ng bahay sa Metro Manila. Batay sa mga ipinakitang dokumento, ang Septage Treatment Plant na pinondohan ng Asian Development Bank ay ilalagay sa Antipolo, Rizal na nagkakahalaga ng P608.28 milyon. Ang nasabing proyekto na gagawin ng Salcon PTE Ltd., ay may kakayahang magproseso ng 600 cubic meters ng septic tank waste sa isang araw. Ngunit may katulad umanong proyekto na ginawa ang Manila Water Co. Inc. (MWCI) na nagkakahalaga lamang ng P305.89 milyon at may kapasidad din na magproseso ng 600 cubic meter ng dumi sa loob ng isang araw. Ang naturang proyekto ay pinondohan ng World Bank at itinayo sa San Mateo, Rizal. Sinabi ni Jamora na hindi niya binayaran ang kontratista ng proyekto nang magsimula na itong maningil. Hindi naman niya binanggit kung kailan ito nangyari. Sa ulat ng Philippine News Agency noong Setyembre 2007, sinasabing inirekomenda ng Presidential Anti-Graft Commission na sibakin si Jamora na dating chairman ng Local Water Utilities Administration dahil sa umanoy, âauthorizing irregular and unnecessary contracts worth P1.4 million in connection with the construction of the LWUA training center." "The training center was constructed without any approved budget or prior approval by the Japan Bank for International Cooperation, which funded the project," ayon sa ulat. Samantala, si dating MWSS Administrator Orlando C. Hondrade, na kasapi ng MWSS's Bids and Awards Committee, na nag-apruba sa proyekto ng Salcon PTE Ltd, ay sinasabing sangkot din sa iregulardad, ayon sa ulat ng PNA. Sa nasabing ulat ng PNA, si Honrade ay nagkasala umano ng, "grave misconduct, conduct grossly prejudicial to the best interest of the service," among others, for advancing "P1.5 billion to the contractors as cost of the rehabilitation of the Umiray-Angat Transabangan Project (UATP) without complying with law requirements." Umarkila din umano si Honrade ng mga private helicopters na hindi dumaan sa subasta at hindi nagsumite ng Commission on Audit ng mga kaukulang dokumento sa kanyang mga naging gastusin. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: mwss, lorenzojamora
More Videos
Most Popular