ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Grupo ng 'third sex' pumalag sa rectal surgery scandal sa Cebu
MANILA, Philippines â Sinalag ng grupo na nagtataguyod sa karapatan ng mga bakla at tomboy o âthird sex" ang patutsada ng isang alagad ng Simbahan laban sa pasyente na inoperahan sa puwet upang alisin ang lalagyan ng pabango sa Cebu. Sa press conference nitong Huwebes, sinabi ng grupong Lagablab at Ladlad na ang pahayag ni Msgr. Acilles Dakay, tagapagsalita ng archdiocese of Cebu ay nagpapakita ng diskriminasyon sa mga kasapi ng third sex. âInstead on focusing on passing the blame on gay sex, why donât we give attention on the stigma and discrimination (on gays and lesbians) and come out with a solution," ayon kay Jonas Bagas, tagapagsalita ng Lagablab. âOff hand, maybe the church can ask the government and authorities to conduct mandatory human right education for health professionals," idinagdag niya. Una rito, sinabi ni Msgr. Dakay na bukod sa maling inasal ng mga duktor at nurse sa Vicente Sotto Memorial Medical Hospital sa Cebu na nag-opera sa pasyente, hindi umano dapat kalimutan ang usapin ng homosexuality o kabaklaan. âHomosexuality is second nature to some people. Perversion is unthinkable. What was just discussed (in public) was the misbehavior of doctors and nurses," ayon kay Msgr. Dacay. Sa pahayag na lumabas sa website ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ni Msgr Dakay na nagsimula ang problema ng pasyente nang kumuha ito ng male prostitute na nagpasok sa kanyang katawan ng body spray canister habang sila ay nagtatalik. Ayon sa pasyente, lasing siya ng panahong iyon at hindi alam ang nangyayari. Ang footage ng kanyang operasyon kung saan nakita na nagkakatuwaan ang mga duktor at nurse ay lumabas sa YouTube sa Internet. Sinabi ng biktima na itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban sa VSMMH upang magsilbing babala sa iba pang medical practitioners. Kinondena naman ni Dr Jose Sabili, presidente ng Philippine Medical Association, ang inasal ng mga duktor at inirekomenda na alisan sila ng lisensya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular