Maria Ozawa, may BF ngayon; naiisip na bang magpakasal?
Hindi man nagbigay ng detalye, inilahad ni Maria Ozawa na may nobyo siya ngayon. Naiisip na rin kaya niya ang kasal?
"Are you in love now?" tanong ni Tito Boy Abunda kay Maria sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles.
Hindi naitago ni Maria ang kaniyang ngiti, bago matipid na sumagot ng "Yes."
Tinanong ni Tito Boy kung naiisip na ni Maria ang kasal.
"I hope so, yes. That would really be nice," sagot ng Japanese model at actress.
Para kay Maria, ang pag-ibig ay "when you can sacrifice yourself for that person."
Dating nagtrabaho sa adult video industry, inamin ni Maria na minsan na rin siyang nagduda tungkol sa pag-ibig.
"Especially when I was in the AV business," sabi niya. "It was like really obvious that people, they just like me for what I am, not like who I really am."
Dahil din sa trabaho niya noon, ilang tao ang hindi siya pinakitaan ng paggalang. Ilang lalaki rin ang hindi na itinuloy ang pag-ibig nila kay Maria matapos matuklasan ang trabaho niya noon.
"Usually they would just say that I will never able to be in a real relationship, or 'you won't be able to trust people because you're in the industry who would [not] think about you in a serious way,'" sabi niya.
Inilahad ni Maria ang mahalagang aral ng buhay na kaniyang natutuhan.
"To not to trust people easily. Like in any genre or anything. It's good to be nice, but just don't go 100 percent full when you're not even sure of that situation."
Sa parehong panayam, idinetalye rin ni Maria kung bakit sila naghiwalay ng dati niyang nobyong Pinoy na si chef Jose Sarasola. Ayon sa kaniya, naging mahirap ang sitwasyon nila noong pandemic.
Gumaganap ngayon si Maria sa "Pulang Araw" bilang si Haruka Tanaka, ang ina ni Hiroshi Tanaka, na ginagampanan ni David Licauco.
Napapanood ang "Pulang Araw" gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng GMA News "24 Oras." Napapanood din ito sa Netflix. — RSJ, GMA Integrated News