ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lupain ng Ayala sa Batangas inaasam ng mga magsasaka
MANILA â Inireklamo ng isang grupo ng magsasaka ang hindi umano pagpapatupad ng pamahalaan sa desisyon ng Korte Suprema dalawang dekada na ang nakalilipas para ipamahagi ang lupa na pag-aaari ng isa sa pinakamayamang Filipino sa bansa. Sa isang pahayag, iginiit ng mga magsasaka na benepisaryo ng repormang agraryo na 20-taon na nilang hinihintay na ipamahagi ng gobyerno ang 2,000 hektaryang lupain na pag-aari ni Don Jaime Zobel de Ayala sa Calatagan, Batangas. Ang mga magsasaka na nakahimpil sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ay suportado ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Unyon ng Mangagawa sa Agrikultura (UMA) at grupo ng mga manggagawa sa palayan sa Batangas, Kaisahan ng mga Manggagawang Bukid (KAISAHAN), Samahan ng mga Magbubukid sa Batangas (SAMBAT) at Haligi ng mga Batanguenong Anakdagat (HABAGAT). Sinabi sa pahayag na ang 2,000 hektaryang lupa ay bahagi ng 12,000 hektarya na dating plantasyon ng tubo na hindi isinama sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Dahil umano dito, libu-libong manggagawa sa sakahan ang nawalan ng trabaho. Batay sa talaan ng Bureau of Rural Workers (BRW), kabilang ang Batangas sa 10 lalawigan na may pinakamaraming walang trabaho mula noong 2004. âIt is very ironic that this atrocity happened in all the 20 years of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) and now they are planning to extend this fake agrarian reform program. One thing is clear if the CARP is extended then the Calatagan farmers fight for their land will be a very difficult uphill battle. It is because it is with CARP that landlords were able to control the land for so long," pahayag ni Antonio Flores, KMP auditor. âThe SC decision was released on March 25, 1988 it is now May 3, 2008. This is a glaring example of injustice and how inutile the CARP is. What we want is the passage of House Bill 3059âGenuine Agrarian Reform Bill which will implement free distribution of land to the farmers and farm workers," idinagdag ni Rene Galang, pinuno ng UMA. âWe also believe that the rice crisis can be solved by the implementation of genuine agrarian reform and not CARP extension," pagtatapos ni Galang. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular