ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamataas na lungsod


Tinatayang umaabot sa 1,500 meters o 5,100 feet above the sea level ang lugar na kinatitirikan ng pinakamataas na lungsod sa Pilipinas na makikita sa Luzon. Sa barangay ng Ibaloi na kilala sa tawag na Kafagway itinatag ng mga Amerikano noong 1900 ang pinakamataas na lungsod sa Pilipinas, ang Baguio City. Taong 1903 nang opisyal na ideklara ng Philippine Commission bilang “Summer Capital" ang lungsod. Dahil sa taas ng lugar ng Baguio, umabot sa pinakamalamig na 6.3 degrees ang klima rito noong Enero 1961. Sumunod naman ang 6.7 degrees (Feb. 1963); 8.4 degrees (Jan 2002); 8.0 degrees (Jan. 2003) at ngayong 2008 ay umabot sa 10 degrees. Ang Baguio ay idinesenyo ni American architect na si Daniel H. Burnham matapos siyang atasan ni US Governor Luke E. Wright. Ang lungsod ay magsisilbing bakasyunan ng mga Amerikano at mga kaalyado nito. - GMANews.TV