ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Katotohanan ipantatapat ko sa kasinungalingan - JDV
MANILA â Inihayag ni dating Speaker Jose de Venecia Jr. nitong Biyernes na tatapatan niya ng katotohanan ang mga kasinungalingan na ibinabato sa kanya ng administrasyong Arroyo tungkol sa kontrobersyal na usapin ng ZTE-NBN deal. Sinabi ni De Venecia sa isang pahayag na haharap ito sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa national broadband project pagkatapos na magpasuri ng kanyang kalusugan sa Lunes. "As soon as my urgent constituency work is completedâparts of my district were recently devastated by a strong typhoonâI will enter a hospital this coming Monday for a thorough check-up," ayon sa dating lider ng mga kongresista. "And once that is done, I should be fully prepared to confront President Arroyoâs lies with the plain and simple truth," idinagdag niya. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ng asawa ni De Venecia na si Gng Gina De Venecia, na inilista na ng dating speaker ang mga sasabihin nito tungkol sa nalalaman sa mga iregularidad na pinasok ng pamahalaan. âYun mga sinabi nina Jun (Lozada) is just a tip of the iceberg, thatâs just the ZTE deal. This involves all the deals na nakasawsaw na silang lahat," ayon kay Gng De Venecia patungkol sa testimonya ni Senate witness Rodolfo âJun" Lozada Jr na nagbunyag sa Senado tungkol sa umanoây kickback sa kinanselang $329.4 milyong broadband project na napunta sa ZTE Corp ng China. Sinabi ni Gng De Venecia na ibinigay ng kanyang asawa ang kopya ng kanyang testimonya sa ilang pinagkakatiwalaang kaalyado. Ginawa ni De Venecia ang pahayag tungkol sa pagharap sa Senado matapos lumabas ang paid advertisement sa ilang pahayagan na nagsisiwalat ng umanoây plano kung papaano tetestigo ang dating Speaker tungkol sa ZTE. "The plan is for you to be coy about testifying citing the current problems of the country that needed to be attended first. But because of the 'growing clamor' that your wife is trying to encourage you will eventually come out. Another scenario is for you to drop a 'bombshell' after which you would go abroad for health reason to avoid being confronted by admin senators, which we believe you will never agree to because running away is cowardly," nakasaad sa print ad. Iginiit naman ni De Venecia na bahagi ng panggigipit sa kanya ang lumabas na anunsyo sa pahayagan. "I havenât even begun to testify on the ZTE-NBN scandal and the many cases of corruption in the government; and yet their mercenaries are already bombarding me, smearing me and my familyâmy son, Joey III, my wife, Ginaâand nuns and civil society leaders with expensive newspaper ads and a barrage of lies," ayon kay De Venecia said. "But I will not be deterred from appearing before the Senate or any appropriate forum; and when I do, I anticipate a protracted and gruelling battle before the Blue Ribbon Committee with Malacanang and its attack dogs," idinagdag niya. Sinabi rin ni Gng De Venecia na patuloy silang nakatatanggap text messages, tawag at mga pasabi sa kaibigan upang hikayatin umano ang dating speaker na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Senado. âText, tawag, pahaging, pasabi sa kaibigan na kung pwede lang âwag nang magsalita ang asawa ko kasi may masamang mangyayari sa pamilya namin," ayon kay Gng De Venecia. Hinamon naman ng mga personalidad na tinukoy sa anti-De Venecia ad na lumantad ang mga pumirma sa anunsyo upang patunayan ang senaryo sa posibleng pagtestigo ng dating speaker. âIsa lang naman ito sa mga walang putol na kasinungalingan ng Palasyo laban sa akin," ayon kay Lozada. Inihayag naman ni Sr Mary John Mananzan na, âThatâs absolutely not true. I do not know such a group, I never met such a group and I not at all regularly meeting such a group, not even one I met such a group, I never know that there is such a group." âWe demand that these people signed here (in the ad) to come forward and explain to the public, to us and the media, saan nila nakuha itong storya na ito," idinagdag ni Carol Araullo, chairwoman ng militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Itinanggi naman ni Presidential Press Sec. Ignacio Bunye ang mga hinala na sila ang nasa likod ng anunsyo laban kay De Venecia. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular