ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rudy Fernandez malaking kawalan sa movie industry - Erap


MANILA – Malaking kawalan umano sa industriya ng pelikulang Filipino ang pagpanaw nitong Sabado ng aktor na si Rudy Fernandez, ayon kay dating Pangulong Joseph Estrada. “He is a great loss to the movie industry. Let’s pray for his soul. He is one of the great assets of the Philippine movies, not only of Movie Actors Guild of the Philippine movie industry in itself," pahayag ni Estrada, na isa ring aktor. Pumanaw si Fernandez, 56 anyos, nitong Sabado ng madaling-araw dahil sa sakit na pancreatic cancer. Binawian umano ng buhay ang aktor habang natutulog. Ilang buwan din nakaratay sa ospital si Fernandez para magpagamot. Ngunit hiniling umano nito na iuwi na siya ng kanyang bahay sa Quezon City wala pang isang buwan ang nakalilipas. Sinabi ni Estrada na binisita niya si Fernandez dalawang araw pa lang ang nakararaan at hindi niya akalain na papanaw na kaagad ito. - GMANews.TV