ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Where is Glee star Mark ‘Puck' Salling?


Usap-usapan ngayon sa mga social networking sites ang umano’y pagdating sa Pilipinas ng Glee star na si Mark Salling na kilala sa kanyang mohawk-haired Puck style sa naturang sikat na musical series sa US. Pinapaniwalaan na kasama ni Mark na dumating sa bansa ang half-Pinoy na si Darren Criss na kasama rin niya sa cast ng Glee. Nasa bansa si Darren para sa ilang shows pero hindi malinaw kung part din ba ng show si Mark o gusto lang ma-experience ang Pasko sa Pilipinas like Darren. Nitong December 20, nag-post ang makeup artist na si Jigs Mayuga ng mga larawan na patunay daw na dumating sa bansa ang sikat na Glee star na gumaganap sa character bilang si Noah "Puck" Puckerman.

OMFG. Here’s proof that @mark_salling (Punk) was onboard a PAL flight to Manila this morning. Nasan na kaya sha?
"OMFG. here's proof that @Mark_Salling (Puck) was onboard a PAL flight to Manila this morning. nasan na kaya sha?" CONFEEERMED. @Mark_Salling (Puck) is spending Xmas in Boracay. ATAK na mga Gleeks!!!" Ilan pang litrato na kuha umano na kasama si Mark ng ilang crew ng airline ang makikita sa blog na MyKiRu IsYuSeRo. May mga tweets din at usapan ng “netizens" na posibleng sa Boracay mag-Pasko si Salling. Ilang sources naman ng GMANews.TV ang nagkumpirma na sa Boracay nga magpa-Pasko ang “The Puck" pero wala pang litrato na ipinapadala ang mga sources na magpapatunay dito. - FRJ, GMANews.TV