Kilalanin ang mga bida ng 'Gabi ng Lagim: The Movie' | GMANetwork.com - Pictures - Photos

Ang paboritong Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho, na puno ng katatakutan at kababalaghan, mapapanood na bilang isang pelikula soon!    Noong February 2024 nang ianunsyo ng GMA Public Affairs na isasapelikula na ang naturang special. Nakilala sa titulong “Gabi ng Lagim,” tampok rito ang real-life horror stories mula sa mga panayam sa iba’t ibang tao, photos, videos, at audio encounters na na-record at pinadala sa KMJS.    Nitong Martes, September 30, nagkaroon ng photoshoot ang cast ng “Gabi ng Lagim: The Movie,” kung saan ilan sa mga bida nito ang dumalo. Kabilang dito sina Sanya Lopez, Jillian Ward, Elijah Canlas, at Miguel Tanfelix. Kasama rin nila ang host at broadcast journalist na si Jessica Soho.   Tingnan ang ilang behind-the-scenes ng photoshoot sa gallery na ito: