What happened at the 'KMJS' Gabi ng Lagim The Movie' media con | GMANetwork.com - Pictures - Photos

Puno ng excitement ang cast ng upcoming horror film na ‘KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie na sina Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, Rocco Nacino, Kristoffer Martin, Jon Lucas, Therese Malvar, at ang multi-awarded broadcast-journalist at host na si Miss Jessica Soho sa naganap na media con nitong November 18. Sa naganap na media con sa Hungry Neighbors sa Tomas Morato nitong November 18, ipinangako ni Jessica na magiging mas nakakatakot, mas kagimbal-gimbal, at mas dapat panoorin ang movie version ng Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho. “Next level. Gusto rin namin mag-next level ‘yung ginagawa namin every year. ‘Di ba, siyempre ‘pag nanood ka sa TV, it’s just a watching experience. Pero ‘pag pumasok ka na sa isang madilim at malamig na sinehan, it becomes a total experience,” sabi ni Miss Jessica. “Iba ‘yung nakikisigaw ka du’n, natatakot ka du’n, tapos siyempre mas binusisi ‘yung mga detalye ng pelikula, nandiyan sila Direk Dodo Dayao. Siyempre ‘yung mga detalye, ‘yung mga prosthetics, inayos nila ng mabuti, at saka ‘yung acting ng pinakamagagaling nating artista ng Sparkle. ‘Yun ang iba,” pagpapatuloy ng award-winning host. Tingnan ang mga naganap sa naturang media con sa gallery na ito: