Meet the cast of 'Huwag Kang Titingin' | GMANetwork.com - Pictures - Photos

Dumating na ang sumpang magbabaliktad sa lahat! Umpisa na ang takutan at kababalaghan sa bagong horror film na Huwag Kang Titingin. Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Productions, isang kakaibang chilling experience ang mapapanood ng netizens sa mga sinehan nationwide. Hatid ng pelikula ang mga elemento ng Filipino folklore at Gen Z twist na clout chasing sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Ays de Guzman. Kaabang-abang din ang pelikula dahil sa tampok nitong young stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation na si Shuvee Etrata. Huwag palampasin ang Huwag Kang Titingin, mapapanood na sa mga sinehan nationwide! Samantala, kilalanin ang mga karakter ng Huwag Kang Titingin sa gallery na ito: