Celebrities, suportado ang debut single ni Betong Sumaya | GMANetwork.com - Music - Articles

Ni-release kahapon ng GMA Music ang first-ever single ni Betong Sumaya na "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko."

Celebrities, suportado ang debut single ni Betong Sumaya

By AEDRIANNE ACAR

Masasabi ni Betong Sumaya na "amazing" ang natanggap niyang suporta mula sa mga kapwa celebrities nang i-launch niya ang kanyang debut single under GMA Music kahapon, April 28. 

Available na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, and all other digital stores worldwide ang kanyang hugot single na "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko." 


"Friends, loved ones and countrymen (pahiram Maey ha hehehe), you can now stream and download my debut single under GMA Music titled "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko."  

"So what are you waiting for guys, download it now at Spotify, YouTube Music, Apple Music and all other digital stores worldwide  Amazing thanks at lagi po tayong mag iingat  #TyPoLORD #Blessing #BetongSingleNMMAMK." 


Sunod-sunod naman ang posts ng mga katrabaho niya sa showbiz para i-promote at i-congratulate din siya sa kanyang single. Ilan sa mga ito ay sina Paolo Contis, Glaiza De Castro at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista. 

 

 

WATCH: Betong Sumaya, todo perform nang kantahin niya ang "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" sa 'Unang Hirit'
 

Betong Sumaya, kinilig nang mapakinggan sa radyo ang novelty song niya with GMA Music