Namatay ang isang lolo sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang apo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes mula sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.

Sa kuha ng CCTV, makikitang patawid ng kalsada ang 3-taon-gulang na bata. Hinabol siya ng kaniyang lolo at doon na ito nabangga ng motor.

Sa ospital binawian ng buhay ang lolo habang nasa maayos nang kalagayan ang bata.

Ayon sa Lipa City Police, nagkausap na ang pamilya ng biktima at ang rider.

Sinisikap pa silang kunan ng pahayag ng GMA Regional TV. —KBK, GMA Integrated News