ADVERTISEMENT
Filtered by: Hashtag
Hashtag
YouScoop Assignment: #SONA2014

Ilang araw mula ngayon, maririnig nating muli ang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino. Tulad sa mga nakaraang SONA, inaasahan mula sa pangulo ang ulat patungkol sa lagay ng bansa, sa mga napagtagumpayang problema, at sa daang tinatahak ng kasalukuyang administrasyon.
Bukod sa SONA ng pangulo sa July 28, 2014, mahalaga ring marinig mula sa taumbayan kung ano para sa kanila ang tunay na estado ng bansa. Para sa YouScoop Assignment na ito, nais naming makita sa tulong ng iyong mga mata at lente kung ano para sa iyo ang state of the nation.
Maaari mong kuhanan ang mga:
- Kuwento ng mga ordinaryong Pilipino sa kanilang pang-araw araw na buhay
- Manggagawa at ang lagay ng ating ekonomiya
- Marginalized na sektor ng lipunan at ang kanilang mga karapatan: Kabataan, LGBT, indigenous people, etc.
- Kalakhang sentimiyento ng taumbayan kaugnay sa mga nangyayari sa ating lipunan
- Representasyon ng mga kasalukuyang problemang kinahaharap ng ating bansa
Maaari mong ipadala ang iyong assignment sa aming website, www.youscoop.tv o sa aming mga social media account. Gamitin lamang ang #SONA2014 sa pagpapadala. Maaari mo ring i-email ang iyong materyal sa youscoop@gmanews.tv.
Siguruhin na nakalagay ang iyong pangalan at numero para ikaw ay aming matawagan para sa detalye. Ang kuha mo ay maaaring mapakita sa mga social media account ng YouScoop at GMA News. Maaari din itong magamit sa GMA News Online at sa ilang programa tulad ng 24 Oras at SONA.
Ang deadline ng assignment na ito ay sa July 26, 2014. --YouScoop/EPE
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
More Videos
Most Popular