advertisement
Celebrity Life

Pinoy celebrities na certified K-Pop at K-Drama fans

1 of 46

Alden Richards 

Hangang-hanga si Alden Richards sa Korean culture nang huli siyang dumalo sa Seoul International Drama Awards. Aniya, mas ine-expose na niya ang sarili niya sa K-culture at K-Pop. At ang paborito niya ay si Lisa Manoban, ang main dancer ng grupong BLACKPINK.

2 of 46

Aiai Delas Alas 

Pinatunayan naman ni Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas na siya ay fan ng famous Korean actor na si Park Seo Joon nang dumalo siya at kaniyang anak na si Sophia sa nakaraang fan met ng K-drama actor.

3 of 46

Janice de Belen at Gelli de Belen 

Sa parehong fan meet ni Park Seo Joon, nag-fangirl ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen. Nakilala pa nila ang Korean actor backstage.

advertisement
4 of 46

Cassy Legaspi 

Spotted sa fan meet ni Korean drama actor Lee Dong Wook si Cassy Legaspi. Pero bukod diyan, si Cassy ay fan rin ng mga K-pop groups tulad ng TWICE, GOT7, at marami pang iba.

5 of 46

Ysabel Ortega 

Dumalo rin si Kapuso actress Ysabel Ortega sa naganap na fan meeting ni Lee Dong Wook sa bansa. Aniya sa isang interview, kinikilig siya tuwing nakikita ang Korean oppa, “Grabe sobrang kinikilig po ako na kahit sa iba siya nakatingin feeling ko sa akin siya nakatingin the whole time.”

6 of 46

Jean Garcia

Fan ng 2PM member na si Lee Jun-ho ang aktres na si Jean Garcia. Pinatuyan nya ito nang siya ay magpatugtog ng kanta nito sa set ng 'Ika-5 Utos.'

advertisement
7 of 46

Glaiza De Castro

Isa sa mga paboritong grupo ni Glaiza ay ang "legendary" K-pop group na BIG BANG.

9 of 46

Joshua Jacobe

Ang To The Top member na si Joshua Jacobe ay isa ring K-pop fan. Nag-perform pa nga siya sa nakaraang KPop Summer Solstice kung saan sinayaw niya ang "Rainism" by Rain, at inawit din niya ang mga kanta ng K-pop group na BTS.

11 of 46

Janice De Belen

Nagsimula sa panonood ng Korean drama hanggang sa lumaki na ang pagkagusto ni Janice sa Korean celebrities. Simula noon, nagawa na ni Janice na kumolekta ng merchandise at magazines. Updated din siya sa K-news ng mga favorite oppa niya.

advertisement
13 of 46

Ella Cruz

Isang fan girl din si Ella Cruz ng K-pop at isa sa mga grupong gusto niya ay ang girl group na BLACKPINK.

15 of 46

Julian Trono

Bukod sa pagiging mahilig na rin K-pop, naging K-pop trainee din si Julian Trono noong 2015 sa JU Entertainment Music & Contents.

17 of 46

Iñigo Pascual

Ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo ay isa rin K-pop fan at ang kaniyang gustong grupo ay GOT7. Minsan ay nagko-cover pa ito ng mga kanta ng nasabing grupo.

advertisement
19 of 46

Anne Curtis

Nahilig si Anne Curtis sa K-Drama nang mapanood niya ang thriller movie na 'Train to Busan.' Dito, nakita niya ang lead actor na si Gong Yoo at mula noon ay naging big fan na siya ng Korean actor. Maliban kay Gong Yoo, favorite rin ni Anne si Nam Joo Hyuk na nakilala niya noong pumunta ito sa bansa. Kilala rin siyang fan ng K-pop group na BLACKPINK.

20 of 46

Winwyn Marquez

Isang loud and proud member ng ARMY si 'Dahil Sa Pag-ibig' star Winwyn Marquez. Kuwento niya sa GMA Network, una niyang nakilala ang K-pop band na BTS pagkatapos mapanood ang K-drama na 'Hwarang' kung saan tampok ang isa sa miyembro nito na si V.

21 of 46

Therese Malvar

Miyembro rin ng ARMY si 'Inagaw na Bituin' star Therese Malvar. Nakilala niya ang grupo nang iboboto sana niya si Ariana Grande sa Billboard Music Awards, ngunit hindi niya ito itinuloy nang makita niya ang dami ng boto ng BTS. Magmula noon, pinakinggan niya ang mga kanta ng K-pop band at naging bias niya ang rapper na si Suga. Ang paborito niyang kanta ng banda ay 'Spring Day.'

advertisement
22 of 46

Sharon Cuneta

Isang NCTizen si Megastar Sharon Cuneta. Kuwento ni Sharon, naimpluwensiyahan siya ng kaniyang anak na si Miel na makinig sa K-pop band. Dumalo si Sharon sa naganap na concert ng banda sa MOA Arena.

23 of 46

Kristoffer Martin

Fan ng BLACKPINK si Kapuso hunk Kristoffer Martin. Ayon sa kaniya, nagustuhan niya ang kanta na 'As If It's Your Last' at doon nagtuluy-tuloy ang kaniyang fandom sa grupo. Dumalo pa ang aktor sa naganap na meet and greet ng grupo noong June 6, 2019.

24 of 46

Heart Evangelista

Sa chika ni '24 Oras' reporter Cata Tibayan, umamin si Kapuso actress Heart Evangelista na mahilig siyang makinig sa K-Pop group na BLACKPINK.

advertisement
25 of 46

Sanya Lopez

Aminado si 'Dahil Sa Pag-ibig' actress Sanya Lopez na naimpluwensiyahan siya ni Winwyn Marquez na makinig sa K-Pop. Ngayon, nakikinig si Sanya sa BTS at BLACKPINK.

26 of 46

Miguel Tanfelix

Lumipad patungong Singapore si 'Sahaya' actor Miguel Tanfelix para panoorin ang K-Pop girl group na TWICE. Kwento niya sa kanyang vlog, may pinapanood sa kanya ang kanyang kaibigan at doon na siya nahawa sa K-Pop craze. Aniya, “May pinapanood sa aking music video 'yung 'What Is Love?' at dun ako nag-start maging K-pop fan. Nakita ko 'yung babae sa chorus, sobrang nagandahan ako, 'yung babaeng 'yun si Tzuyu.”

27 of 46

Arci Muñoz

Big fan si actress Arci Muñoz ng KPop group na BTS. Laging tampok ang grupo sa kanyang Instagram profile. Ang favorite niyang BTS member ay si Jimin.

advertisement
28 of 46

Shaira Diaz

Isang K-fanatic si 'Love You Two' actress Shaira Diaz. Sa katunayan, pinuntahan niya ang fan meet and greet ni Park Bo-Gum noong Hunyo 2019. Favorite rin ni Shaira si Korean actor Lee Min Ho.

29 of 46

Leila Alcasid

Bias ni Leila Alcasid si Jimin ng BTS. Sa kaniyang Twitter, ibinabahagi ni Leila ang kaniyang pagka-fangirl sa grupo.

30 of 46

Liza Soberano at Enrique Gil

Isang proud ARMY rin sina Liza Soberano at ang boyfriend nitong si Enrique Gil. Lumipad sila patungong Hong Kong para panoorin ang K-Pop group. Sa isang interview, inamin rin ni Liza na gumawa siya ng secret fan account para suportahan ang grupo.

advertisement
31 of 46

Pia Wurtzbach

Isang Ever Lasting Friend o ELF naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Dumalo si Pia sa Super Show 7 concert ng grupo at nag-fangirl pa ang beauty queen sa kaniyang bias na si Siwon.

32 of 46

Carmina Villarroel

Certified K-drama addict si Carmina Villarroel. Aniya, ang mga kaibigan niyang sina Candy Pangilinan, Janice at Gelli de Belen ang naghikayat sa kanyang manood ng K-drama at variety shows.

33 of 46

Candy Pangilinan

Unang nahilig sa K-drama si Candy Pangilinan noong 2007 o 2008 pagkatapos siyang maimpluwensyahang manood ng kanyang kapatid. Ani Candy, una niyang napanood ay ang 'Princess Hours' at nasundan na ito ng marami pang Korean romatic-comedy dramas.

advertisement
34 of 46

Lovi Poe

Big fan ni Park Seo-joon si Lovi Poe. Sa katunayan maraming beses na niyang ipinapahiwatig ang kanyang admiration para sa South Korean actor sa pamamagitan ng pagpost ng ilang edited photos niya at ni Park Seo-joon.

35 of 46

Denise Laurel

Hindi rin pahuhuli si Denise Laurel kay Lovi Poe dahil marami-rami rin ang kanyang edited photos kasama si South Korean oppa Park Seo-joon. Bentang-benta naman ang mga ito sa fans dahil marami ang naghihintay na makita ang ilan pa niyang mga pasabog na posts kasama ang aktor.

36 of 46

Ruru Madrid

Isang certified ARMY rin si Kapuso actor Ruru Madrid. Sa katunayan, naging viral si Ruru nang makita ng fans na kahawig niya si BTS member V sa isang litrato.

advertisement
37 of 46

Lea Salonga

Isang certified ARMY rin ang Tony Award-winning theatre actress at singer na si Lea Salonga. Sa kanyang Instagram, nagawa pa ni Lea na i-flex ang kanyang latest BTS merch kung saan nakuha niya ang rare photo card ni Kim Taehyung o V.

38 of 46

Gabby Eigenmann

Sinong mag-aakala na certified EXO-L pala si Kapuso actor Gabby Eigenmann? Maliban sa pag-follow sa bawat miyembro ng K-pop boy group sa kanyang Instagram ay nagfa-fanboy rin ang aktor tuwing may comeback ang grupo sa Twitter.

39 of 46

JP Soriano

Big fan din ng K-pop boy group na EXO si GMA news anchor and reporter na si JP Soriano. Kadalasan mababasa ang kanyang pagiging fan sa grupo sa kanyang personal Twitter account.

advertisement
40 of 46

Mariz Umali

“I'm a super fan of Ji Chang-wook, Park Bo-gum, Cha Eun-woo, Hyun Bin, and a lot more,” bitiw ni GMA News reporter Mariz Umali sa segment ng 'Eat Bulaga' na Bawal Judgmental nang tanungin s'ya kung isa ba siyang K-pop o K-drama fan. Sa katunayan, isa si Mariz sa pumunta sa South Korea para i-cover ang pagpasok ni Ji Chang-wook sa military enlistment. Sa parehong trip nasubaybayan din ng reporter ang pag-release ni Lee Min-ho sa kanyang military duties.

41 of 46

Kyline Alcantara

Bago pa man maging honorary ambassador ng Korea Tourism Organization si Kyline ay may panghanga na ang aktres sa K-drama aktor na si Lee Jong-suk at Gong Yoo. Sa katunayan, nag-iwan pa siya ng comment sa Instagram Live ni Lee Jong-suk na talaga namang ikinatuwa ng ilang fans. Aniya na, nagsimula ang kaniyang K-fever journey noong pinapanuod sa kaniya ng kaibigan niya ang sikat na Kidrama na 'Scarlet Heart: Ryeo'.

42 of 46

Mavy Legaspi

Isa rin si Sparkle artist Mavy Legaspi sa mga celebrities na fan ng Korean culture. Ayon kay Kyline, si Mavy ang isa sa mga nagimpluwensiya sa kaniya na tangkilikin ang K-pop industry. Maraming K-pop groups ang sinusuportahan ni Mavy at isa na dun ay ang SEVENTEEN. Kamakailan lang, gumawa ng dance cover si Mavy ng kanta ng SEVENTEEN na 'HOT'.

advertisement
43 of 46

Megan Young

Isa ring hardcore BTS fan si Miss World 2013 Megan Young at madalas niyang ipinakikita ang kaniyang mga PCs (photo cards) at life-size standees sa kaniyang IG followers. Kahit na naka temporary break ang grupo, mananatiling fan ang Kapuso aktres aniya niya.

44 of 46

Mikael Daez

At dahil sa impluwensiya ng kaniyang asawa na si Megan, naging ARMY na rin ang Kapuso aktor na si Mikael Daez at mayroon pa siyang sariling bias. Bukod sa pagfa-fangirl ng kaniyang asawa, mayroon din syang sariling fanboy moments.

45 of 46

Kendra Kramer

Ang model in the making na si Kendra Kramer ay isa ring avid fan ng K-pop idol na si Jennie ng BLACKPINK. Ginagaya pa nga nya ang mga iba't ibang hairstyle nito.

advertisement
46 of 46

Jinkee Pacquiao

Isa sa pinaka-masuwerteng Pinoy celebrity K-pop fan ay ang misis ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao dahil dalawang beses niya lang naman nakausap nang personal ang Korean superstar na si Ji Chang-wook. Sa ikalawang pagkakataon niya noong 2019, nagpadala si Jinkee ng coffee truck sa set ng ginagawang K-drama ng aktor.

47 of 46

Mimiyuuuh

Hindi nalingid sa kaalaman ng lahat na avid fan ni Lisa Manoban ng BLACKPINK ang internet sensation na si Mimiyuuuh. Sa katunayan, gumawa pa siya ng dance cover ng sikat na solo single ni Lisa na "LALISA" para sa kanyang vlog.

48 of 46

Kim Domingo

Isa sa mga avid fan ng Korean singer-actor na si Cha Eun-woo ang sexy actress na si Kim Domingo. Kahit wala pang tulog mula sa taping ng Start-Up PH, maagang dumiretso si Kim sa pre-selling ng tickets ng fan meeting ni Eun-woo na gaganapin sa Pilipinas sa August 6.

advertisement
49 of 46

Sofia Pablo

Isang certified BLINK din si 'In My Dreams' star Sofia Pablo at pinatuyan nya ito noong nakaraang concert ng BLACKPINK dito sa Pilipinas. Ibinase niya ang kanyang concert outfit sa kanyang bias na si Jisoo

50 of 46

Yasmien Kurdi's daughter

Ang unica hija ni award-winning actress Yasmien Kurdi ay isa ring certified BLINK. Noong nakaraang concert ng BLACKPINK sinamahan pa ng asawa ni Yasmien si Ayesha na manood ng show.

51 of 46

Isabel Oli

Ang aktres at model na si Isabel Oli at maging ang kanyang anak babaeng anak na si Feather ay certified BLINKS. Matchy pa ang kanilang damit noong umattend sa concert ng BLACKPINK sa Philippine Arena noong Marso.

advertisement
52 of 46

Andrea Brillantes

Maging ang aktres na si Andrea Brillantes ay isang BLINK. Ginaya niya pa nga ang hairstyle noon ng BLACKPINK member na si Jennie.