What's on TV

Barbie Forteza at David Licauco, may pag-asa kayang magtambal muli pagkatapos ng 'Maria Clara at Ibarra'?

By Marah Ruiz
Published January 31, 2023 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Foteza and David Licauco


Tila may pahiwatig ang sagot nina Barbie Forteza at David Licauco kung magkakatrabaho pa sila pagkatapos ng 'Maria Clara at Ibarra.'

Isa sa hottest teamups ngayong ang tambalan nina Kapuso stars Barbie Forteza at David Licauco.

Salamat ito sa patok nilang pagganap bilang mala aso't pusang mga karakter na sina Klay at Fidel sa hit historical portal fantasy na Maria Clara at Ibarra.

Sa huling tatlong linggo ng programa, kababalik pa lang ni Klay sa mundo ng nobela habang 13 taon naman ang nakalipas para kay Fidel simula noong nagkahiwalay sila.

Looking forward ang maraming fans ng show sa reunion ng dalawang karakter na binansagan nilang FiLay.

"Actually, 'yun naman din ang ikinaganda ng FiLay kasi it's very unpredicatable eh. I think the people love its unpredictability so panoorin na lang po nila kung magkikita ba muli si Fidel at si Klay," pahayag ni Barbie.

Very happy nanan daw si David sa suportang patuloy nilang natatanggap.

"We're really happy na grabe 'yung engagement ng mga fans. Sana pagpatuloy pa nilang suportahan," bahagi ng aktor.

Pagkatapos naman ng Maria Clara at Ibarra, may projects na bang nakapila para muli silang magkatrabaho?

"It's a pleasure to work with Barbie so hopefully after this, siya pa rin 'yung makakasama ko," simpleng sagot ni David.

"I look forward to seeing more of David this 2023. There just so much to look forward to," matalinghaga namang sagot ni Barbie.

Panoorin ang buong panayam nina Barbie at David sa 24 Oras sa video sa itaas. Maari n'yo ring mapanood ito DITO.

Samantala, nabingwit na nina Barbie at David ang kanilang first joint endorsement kamakailan. Sila ang napili bilang kauna-unahang celebrity brand ambassadors ng isang high-quality at affordable na glutathione brand.

SILIPIN ANG CONTRACT SIGNING NILA PARA SA ISHIN SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:

Patuloy naman panoorin sina Barbie at David sa huling tatlong linggo ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.