Showbiz News

WATCH: Alden Richards, nagpasalamat sa mga nagdasal para sa kanyang paggaling

By CHERRY SUN

Naka-recover na mula sa kanyang sakit si Alden Richards, at nagpapasalamat ang Pambansang Bae sa mga taong ipinagdasal ang kanyang paggaling.

Ilang araw matapos ang press conference ng Destined To Be Yours na ginanap noong Valentine’s day, napabalitang na-confine si Alden. Mataas kasi ang kanyang lagnat na dulot ng tonsillitis.

READ: Alden Richards, patuloy na nagpapagaling sa sakit 

Marami ang nag-alala sa kanyang kalusugan, at ipinagdasal ang kanilang iniidolo. At nitong Linggo ng gabi, February 19, ay gumaling na nga si Alden.

Pagpapasalamat niya, “By God’s grace I am healed. Thank you Lord and thank you for the prayers po.”

 

MORE ON ALDEN RICHARDS:

WATCH: Unang patikim sa opening scene ng Destined To Be Yours 

READ:  Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap

IN PHOTOS: Ang mga Babae sa Buhay ni Alden Richards