Showbiz News

Pokwang on her upcoming Kapuso projects: 'Parang panaginip'

By Maine Aquino

Ngayong Kapuso na si Pokwang, hindi niya maitago ang kaniyang excitement sa mga nakalinyang proyekto sa GMA Network.

Mapapanood ang bagong Kapuso ngayong Linggo sa The Boobay at Tekla Show. May nakalinya rin siyang episode sa anniversary special ng Wish Ko Lang.

Kuwento ni Pokwang umaasa siyang mapunta siya sa comedy shows sa GMA Network.

Photo source: GMA Artist Center

"Ineexpect ko mapunta ako sa comedy, natupad 'yan agad-agad.

"May Pepito Manaloto, nasagot agad 'yun. First guesting ko sa TBATS, sa The Boobay and Tekla Show. 'Yun po 'yung una kong inaano ang makabalik ako sa comedy.

"Sobrang natutuwa po ako na 'yun ang inexpect ko na natupad agad.

Kuwento pa ni Pokwang, may drama project rin siyang pinaghahandaan.

"Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful."

Ibinahagi naman ni Pokwang ang kaniyang taping experience kasama ang dalawa sa mga magagaling na komedyante ng GMA, sina Boobay at Tekla.

"Sina Boobay at Tekla naman mga anak anakan ko na yan sa comedy bar. kaya naging magaan rin ang lahat, kaya komportable na kami sa isa't isa."

Para kay Pokwang, puno siya ng excitement na makapagbahagi muli ng kaniyang talento sa telebisyon.

"Sobrang excited na ako gawin ang mga projects na naka-ready for me...parang panaginip."

RELATED CONTENT:

Pokwang, inaming 2019 pa siya lumapit sa GMA Network

Pokwang, emosyonal sa bagong yugto ng kaniyang showbiz career