Showbiz News

Julie Anne San Jose, naka-relate sa malungkot na mensahe ng 'Kung Wala Ka'?

By Bong Godinez

Isa ang “Kung Wala Ka” sa pinakasikat na kanta ng Hale, ang pop-rock band na nakilala noong early 2000s at kinabibilangan nina Champ Lui Pio, Roll Martinez, Sheldon Gellada, at Omnie Saroca.

Masasabi rin na isa ito sa pinakamalungkot na awitin na nagawa ng grupo bukod, siyempre, sa smash hit nilang “The Day You Said Goodnight.”

Ngayon, matapos ang 16 taon nang unang lumabas ang “Kung Wala Ka,” muli itong namamayagpag sa tulong ni Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Personal request ni Julie Anne na gawan ng version ang nasabing awitin matapos ang tinangkilik niyang cover versions ng OPM classics na “Your Song” ng Parokya ni Edgar at “Nobela” ng Join the Club.

“Ms. Kathleen Go [Universal Records managing director], she asked me kung anong next song ang gusto kong i-cover. Sabi ko gusto ko mag-cover ng Hale. I just felt na 'Kung Wala Ka' is such a beautiful song and it's one of my favorite songs ng isang band,” kuwento ni Julie Anne sa GMANetwork.com.

“It's very timeless, everyone knows the song, and everyone would sing along every time they hear it, hindi mo maiiwasan na makikisabay ka.”

Hindi naman nagkamali sa piniling kanta si Julie Anne dahil agad umakyat sa Top 3 sa iTunes ang version niya sa mismong araw na lumabas ito sa streaming platforms.

Pagdating sa pag-cover ng kanta, kapansin-pansin na hindi binabago ni Julie Anne ang tono ng awitin pero nagagawan pa rin niya ng paraan para mabigyan ito ng sarili niyang istilo.

Sadya raw ito, sabi ni Julie Anne, dahil gusto niyang manatiling faithful sa original version bilang respeto sa composer at singer.

“It's really important na bigyang respect, and of course, honor the original singer or composer of the song,” seryosong tugon ni Julie Anne.

“I guess you just have to find that middle ground where you keep the original melody and lyrics. It's ok to tweak sa parts, ganun, but make sure it's still there, the content, the melody, and most of all, you pour your heart to it.”

Dagdag ni Julie Anne, “I guess it just comes out naturally. Lahat naman tayo may kanya-kanyang uniqueness and we are authentic in our own ways, and for me that what will make your rendition different, when you're not trying to sound like this or sound like that person.”

Very emotional talaga ang rendition ni Julie Anne ng “Kung Wala Ka” kaya hindi maiwasang isipin kung naka-relate ba siya sa mensahe ng kanta habang nire-record niya ito.

Mas effective rin ba kung may pinagdadaanan ang isang singer kung kakanta ito ng malulungkot na awitin?

“Depende na lang din siguro kung ano 'yong current state mo. But right now, and when I recorded the song, nasa happy state naman ako. Hindi ako malungkot, hindi ako brokenhearted,” sagot ni Julie Anne.

“You can simply take a trip down memory lane or use your imagination. I believe kasi that there's always a point in our lives, one way or another, na we felt that certain emotion.

“I mean, I sing heartbreaking songs even when I'm happy or vice versa. That's the magic talaga ng music, it makes us feel all these emotions kahit hindi tayo sure kung ano 'yong pinagdadaanan ng singer o composer. You feel a certain way when you hear that song,” paliwanag ni Julie Anne.

“Dito sa 'Kung Wala Ka,' ang sakit-sakit 'pag pinapakinggan ko 'yong kanta pero ok ako, masaya ako,” sabi ni Julie Anne na nakangiti.

Samantala, excited si Julie Anne sa premiere ng Limitless, A Musical Trilogy.

Ngayong gabi, September 17, ipapalabas ang part one ng trilogy na pinamagatang “Breathe.”

“We bought our own tickets, manunood kami dito rin sa bahay,” natatawang banggit ni Julie Anne.

“I'm so, so excited about it kasi actually ako hindi ko pa rin nakikita ang preview. Pero sobrang excited ako na makita siya, lahat ng pinaghirapan namin, not only me but 'yong buong team.

“Grabe, I can't imagine the hard work, the sleepless nights, 'yong pagod. I'm happy kasi we created this kind of content.

“We haven't done this before, it's not like a concert but it's a musical journey, it's like a documentary and I'm very excited kasi makikita nila kung gaano kaganda ang Pilipinas and I will be sharing my music as well tsaka 'yong mga personal experiences ko rin na hindi alam ng tao about me.”

Bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets.

Ang presyo ng mga tickets ay: General Admission - PhP599; VIP - PhP1,199; Synergy Pass (GA) - PhP1,499; Synergy Pass (VIP) - PhP3,299.

Click here para malaman ang step-by-step process sa pagbili ng tickets para sa kapanapanabik na musical event na ito.

Sundan ang www.facebook.com/GMASynergy para sa iba pang detalye. Para sa iba pang updates, bisitahin ang www.GMAnetwork.com.

Panoorin ng buong trailer ng “Breathe” dito:

Samantala, tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng “Breathe” sa gallery na ito.