Showbiz News

Oh My Baby: Ipinagtapat na ni Christian ang pag-ibig kay Charie | Week 4

By Aimee Anoc

Sa ikaapat na linggo ng Oh My Baby, nabasa ni Christian (Ko Jun) ang diary ni Charie (Jang Na-ra). Dito na rin nalaman ni Christian ang plano ni Charie na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng paghahanap ng sperm donor.

Nasorpresa rin si Christian nang malamang isa siya sa listahan ni Charie, gayundin sina Gerry (Park Byung-eun) at Darren (Jung Gun-joo).

Nang isasauli na sana ni Christian ang napulot na diary, nakita nito si Charie na hinalikan ni Darren. Nagulat naman si Charie sa ginawang ito ni Darren dahil ito ang kauna-unahang halik niya makalipas ang 10 taon.

Kinabukasan, inimbitahan ni Gerry si Charie na pumunta sa 1st birthday ng kanyang anak. Sa pag-uusap, napansin ni Gerry na tulala si Charie kaya naman sinabihan niya ito na huwag nang maghanap ng mga lalaki dahil nasa tabi niya na ang perpektong lalaking hinahanap niya. Mabilis namang naglakad papalayo si Charie.

Nang papauwi na sa kanyang bahay, huminto si Charie para panoorin ang fireworks sa Han River. Napagdesisyunan naman ni Christian na pumunta rin sa ilog para manuod ng fireworks.

Habang kinukuhanan ng larawan ang fireworks, hindi napansin ni Christian na nakita siya ni Charie. Lumakad si Charie papunta kay Christian at tinanong kung bakit palagi silang nagkikita.

Nang magpapaalam na sana si Charie para umuwi, agad itong pinigilan ni Christian at sinabing, "Para sa akin napakaganda mo." Sinagot naman siya ni Charie, "Ano ngayon kung maganda ako? Anong gagawin mo?"

Kasabay ng fireworks, lumakad papalapit kay Charie si Christian at hinalikan ito.

Patuloy na panoorin ang Oh My Baby, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Samantala, balikan ang mga eksena sa Oh My Baby:

Oh My Baby: Charie asks for Darren's help | Episode 17

Oh My Baby: Darren kisses Charie | Episode 18

Oh My Baby: Charie's drunken sin | Episode 19

Oh My Baby: Gerry wants to marry Charie | Episode 20

Oh My Baby: Kiss under the fireworks | Episode 21