Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres reveal the craziest thing they did for love

By Aimee Anoc

Ano nga ba ang craziest thing na nagawa na nina Kylie Padilla at Andrea Torres para sa pag-ibig?

Sa isang media interview para sa BetCin, naglaro ng 'The Love Shot' game sina Kylie at Andrea kung saan may mga tanong silang kailangang sagutin at kung hindi nila ito masasagot, kinakailangan nilang ubusin ang baso na may lamang iba't ibang uri ng inumin.

Ang isa sa mga tanong ay "What's the craziest thing you would do/did for love?

Bago pa man ito sagutin nina Kylie at Andrea ay napuno na ng tawanan.

"Craziest thing, naranasan ko na 'yung 'You and me against the world,'" sagot ni Andrea.

Agad naman itong dinugtungan ni Kylie ng isa pang tanong, "Masaya naman ang feeling?"

"Oo, masaya naman. Pero roon ko rin na-realize kung bakit naging ganu'n 'yung set up," dagdag ni Andrea.

Noong si Kylie na ang sasagot, agad nitong sinabi, "I got married."

Dahil sa sagot na ito, kapwa napainom sina Kylie at Andrea.

"Oh my God!" sigaw ni Andrea, habang patuloy sa pagtawa.

At kung papipiliin naman sina Kylie at Andrea sa tanong na 'Mahal mo o Mahal ka,' ang pareho nilang sagot ay "mahal ako."

Mapapanood na sa October 15 ang BetCin kung saan gaganap bilang same-sex couple sina Kylie at Andrea. Gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth at bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.

Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.

Tignan sa galley na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres para sa BetCin: