TV

Hiro Peralta, may bagong adventure sa 'Voltes V'

By MARAH RUIZ

Halos uma-umagang napapanood si Kapuso cutie Hiro Peralta sa morning variety show na Unang Hirit na sumusubok ng iba't ibang kawili-wiling outdoor activities. 

Isang bagong adventure naman ang kanyang papasukin—ang voice dubbing!

Si Hiro ang magbibigay-tinig sa karakter ni Robert "Big Bert" Armstrong sa Tagalized Philippine airing ng pinakamamahal na anime na Voltes V. 

 

Bukod kay Hiro, nagsilbing voice actors din para sa Voltes V ang kanyang kapwa Kapuso stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Ken Chan at Jak Roberto. 

Abangan ang pagbabalik ng pinaka-astig na robot sa mundo ng anime, Voltes V, simula March 27, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa nangungunang GMA Astig Authority.

MORE ON VOLTES V:

Magbabalik sa GMA ang pinaka-astig na robot sa mundo ng anime, 'Voltes V'

Ken Chan, bibigyang buhay ang iconic villain ng 'Voltes V'