TV

Artikulo 247: Elijah, tuluyan nang namaalam; Carmen, bistado na!

By Jimboy Napoles

Isang madamdaming episode ng pinaguusapang drama sa hapon, ang Artikulo 247, ang napanood ng maraming Kapuso viewers ngayong Miyerkules, May 18.

Sa nasabing episode, tuluyan nang namaalam si Elijah Borromeo, ang karakter na ginagampanan ng aktor na si Mark Herras. Matatandaan na binaril siya ng kaniyang asawa na si Carmen Villarama (Kris Bernal) upang hadlangan sila ni Jane Ortega (Rhian Ramos) na sabihin ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao. Dahil sa matinding tama ng baril ay nag-agaw buhay si Elijah sa ospital.

Pero bago malagutan ng hininga si Elijah, naisulat niya sa isang papel ang kaniyang nalalamang katotohanan at ipinakita niya ito sa kaniyang kapatid na si Noah Borromeo (Benjamin Alves). Dahil dito, nalaman na ni Noah na si Carmen at Klaire Almazan ay iisa at siya ang tunay na bumaril kay Elijah at napatunayan na si Jane ang nagsasabi ng totoo.

Bukas, aabangan ang paghaharap nina Carmen at Jane sa korte, ngunit tila may nakahandang plano si Julian para sa kanila ni Carmen.

Makatakas kaya silang muli sa kanilang ginawang krimen? O magamit muli ni Carmen ang batas na Artikulo 247 upang hindi siya tuluyang makulong?

Tutukan ang huling tatlong linggo ng Artikulo 247, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!