TV

'Family Feud Philippines,' patuloy na nangunguna sa ratings!

By Jimboy Napoles

Pinataob ng weekday game show ng GMA na Family Feud ang sarili nitong mataas na ratings na 13.9 percent noong October 20, 2022 matapos itong makakuha ng TV ratings na 14.9 percent nito lamang October 25, 2022.

Ang nasabing ratings ng show ay base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings sa mga nabanggit na araw.

Patunay ito na parami nang parami ang nakatutok at sumusubaybay sa nasabing game show kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Bukod sa matataas na ratings na nakukuha ng naturang programa, consistent din ang pagiging trending ng bawat episode ng game show na pinag-uusapan pa online. Gaya na lamang ng episode noong Miyerkules, October 19, kung saan nag-viral ang naging "censored" na sagot ng sikat na cosplayer at streamer na si Buunja Agustin sa isang survey question.

Sa isa namang panayam ng entertainment media sa Family Feud host na si Dingdong kamakailan, masaya siya sa mainit na suportang natatanggap ng programa at hanggang ngayon ay thankful pa rin siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya na maging host ng naturang game show.

Aniya, "I just wanna say na I enjoy the show very much. I think, isa ito sa mga nangyari sa career ko na ikinagulat ko kasi never ko naman na-imagine ang sarili ko na nagho-host ng isang game show.

"Although dati, pumalit ako kay Richard Gomez for a while. Pero sandali lang 'yon, akala ko doon na natapos yung career ko sa pagiging isang game show host. But nagulat ako na nabigyan ulit ako ng pagkakataon."

Samantala, tuluy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG HANDSOME PHOTOS NG FAMILY FEUD HOST NA SO DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: